^

Dr. Love

May madilim na kahapon

-
Dear Dr. Love,

Napakabigat ng problema ko. Tawagin mo na lang aking Rieza, 24-anyos. Nakapagtapos ako ng Commerce sa sariling sikap. Pero kasuklam-suklam ang trabaho ko. Wala akong choice dahil mahirap lang kami. Kung karaniwang trabaho ang papasukin ko, hindi magkakasya ang kinikita ko sa pag-aaral at sustento sa aking mga magulang. Mahirap lang kami as in napakahirap.

Nagtrabaho ako sa isang sauna bath sa Maynila. Malaki ang kinikita ko noon sa mga galanteng kostumer. Napilitan akong ikalakal ang aking katawan para marating ang aking ambisyon.

Nakapagtapos ako ng kolehiyo kaya itinigil ko na rin ang marumi kong trabaho. Ngayo’y nagtatrabaho ako sa isang malaking fast food chain. Hindi alam ng aking mga kasamahan ang aking nakaraan.

Nanligaw sa akin ang isang katrabaho. Mahal ko rin siya at nagkaroon kami ng relasyon. Ngayo’y nagyayaya siyang magpakasal na kami.

Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, nagdadalawang-loob ako. Ayokong ako ang mapangasawa niya dahil sa madilim kong kahapon. Nakipag-break na ako sa kanya at ilang araw na siyang ‘di pumapasok dahil dito. Balita ko’y nagkasakit siya.

Ano ang dapat kong gawin?

Rieza


Dear Rieza,


Dalawin mo siya at mag-usap kayo nang masinsinan. Lakasan mo ang loob mo at sabihin ang tunay na dahilan ng iyong pakikipagkalas.

Tingin ko’y unfair na sirain ang relasyon sa taong nagmamahal sa iyo nang ‘di niya alam ang dahilan. Ipagtapat mo ang iyong nakaraan. palagay ko’y mauunawaan ka niya at lalo ka niyang mamahalin.

Kung hindi ka niya matanggap, at least naging patas ka sa kanya dahil sinabi mo ang buong katotohanan. Mapagtatanto niya na tapat ang pag-ibig mo sa kanya.

Kung ako ang nasa kalagayan ng boyfriend mo, pakamamahalin kita dahil pambihira kang babae.

Dr. Love

vuukle comment

AKING

AKO

ANO

AYOKONG

DALAWIN

DEAR RIEZA

DR. LOVE

NAKAPAGTAPOS

NGAYO

RIEZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with