Simply call me Arnold, 17 years-old and a college student. I wrote you because of my mother who is already a widow for two years.
Tutol kaming magkakapatid sa gusto ng aking Mommy. Mahal namin siya gayundin ang aming namatay na ama. Ang feeling namin ay parang pinagtaksilan ang aming ama kung mag-aasawa uli si Mommy.
Madalas dumalaw sa bahay ang lalaki. Noong araw, akala namin business partner lang. Pero kalaunan ay nagpaalam sa amin si Mommy na mag-aasawa na uli siya sa lalaking iyon.
Hindi matanggap ng loob namin ang ganoong plano at nagbanta kaming maglalayas kung itutuloy ni Mommy ang balak.
Paano namin mapipigil ang balak ni Mommy?
Arnold
Dear Arnold,
Ang mag-asawa ay obligado lang maging faithful sa isat isa habang pareho pa silang nabubuhay. Kapag pumanaw na ang isa, ang maiiwan ay may layang mag-asawang muli.
Maibibigay ba ninyong magkakapatid ang lahat ng pangangailangan ng inyong Mommy? Im sure hindi. Iba ang pagmamahal ng asawa sa pagmamahal ng anak.
Remember, nakasulat sa Biblia na "its not good for man (or woman) to be alone." Ginawa ng Diyos ang tao na babae at lalaki.
Kaya naway maging maunawain kayo sa inyong ina at ipagkaloob ang ikaliligaya niya na hindi naman ninyo puwedeng ibigay.
Dr. Love