Iyon nga ang nangyari. Akoy nag-shift ng kurso at nang makatapos na ako, ang ipinangako ng tiyahin ko ay naglahong parang bula. Hindi niya ako kinuha at siya lamang ang nakakaalam ng dahilan.
Kumuha ako ng exam para maging full-fledged therapist at sa tulong ng Panginoong Jesus, akoy nakapasa.
Hindi ako nawalan ng pag-asa. Ako at ang aking Mama ay nanalangin sa Panginoong Jesus na akoy makapunta sa Amerika. Nag-apply ako sa mga kompanya sa Amerika bilang therapist sa pamamagitan lamang ng internet.
Limang kompanya ang inaplayan ko at dalawa rito ang interisadong kumuha sa akin. Pinili ko yung isa at agad ay pinadalhan ako ng working visa. Inasikaso ko agad ang aking passport at ako ay ininterview sa US Embassy. Sa tulong ng Panginoong Jesus, akoy pumasa sa interview.
Sa kasalukuyan, naririto na ako sa Amerika at nagtatrabaho bilang therapist. Maganda ang ibinigay na pasahod sa akin at walking distance lamang ang pinagtatrabahuhan ko. Hindi ko masukat ang kabaitan at kabutihan ng Panginoong Jesus sa buhay ko. Totoo talaga ang sinasabi sa Biblia na may plano ang Diyos sa bawat isa sa atin. Ang plano Niya ay hindi upang tayoy sirain kundi upang tayoy kanyang pasaganain, bigyan ng magandang kinabukasan at puno ng pag-asa.
Antonio ng Sampaloc, Manila
(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998 at Mandaluyong, 533-5171.)