^

Dr. Love

Nagkatrabaho sa US dahil sa tulong ng Panginoon

TAGUMPAY SA BUHAY - TAGUMPAY SA BUHAY Ni Rosbero Quinzon -
Nag-aaral ako noon sa University of Sto. Tomas at kumukuha ng kurso sa Business Administration nang dumating ang tiyahin ko galing sa Amerika. Agad ay sinabihan niya ang Mama ko na mag-shift ako sa kursong Physical Therapy dahil ito ang kinakailangan sa Amerika at kukunin daw niya ako pagkatapos ko sa pag-aaral.

Iyon nga ang nangyari. Ako’y nag-shift ng kurso at nang makatapos na ako, ang ipinangako ng tiyahin ko ay naglahong parang bula. Hindi niya ako kinuha at siya lamang ang nakakaalam ng dahilan.

Kumuha ako ng exam para maging full-fledged therapist at sa tulong ng Panginoong Jesus, ako’y nakapasa.

Hindi ako nawalan ng pag-asa. Ako at ang aking Mama ay nanalangin sa Panginoong Jesus na ako’y makapunta sa Amerika. Nag-apply ako sa mga kompanya sa Amerika bilang therapist sa pamamagitan lamang ng internet.

Limang kompanya ang inaplayan ko at dalawa rito ang interisadong kumuha sa akin. Pinili ko yung isa at agad ay pinadalhan ako ng working visa. Inasikaso ko agad ang aking passport at ako ay ininterview sa US Embassy. Sa tulong ng Panginoong Jesus, ako’y pumasa sa interview.

Sa kasalukuyan, naririto na ako sa Amerika at nagtatrabaho bilang therapist. Maganda ang ibinigay na pasahod sa akin at walking distance lamang ang pinagtatrabahuhan ko. Hindi ko masukat ang kabaitan at kabutihan ng Panginoong Jesus sa buhay ko. Totoo talaga ang sinasabi sa Biblia na may plano ang Diyos sa bawat isa sa atin. Ang plano Niya ay hindi upang tayo’y sirain kundi upang tayo’y kanyang pasaganain, bigyan ng magandang kinabukasan at puno ng pag-asa.

– Antonio ng Sampaloc, Manila


(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998 at Mandaluyong, 533-5171.)

AKO

AMERIKA

BIBLIA

BUSINESS ADMINISTRATION

CAINTA

DIYOS

INASIKASO

PANGINOONG JESUS

PHYSICAL THERAPY

UNIVERSITY OF STO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with