Paano makikilala si Mr. Right?
September 30, 2006 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Bago ang lahat, ako poy bumabati sa inyo at sa buong staff ng PSN gayundin sa milyun-milyon mong tagasubaybay.
My name is Betsy Mendez of Valenzuela City and I wrote you para sa ilang katanungan.
Ako poy isang estudyante na kumukuha ng Nursing at marami akong manliligaw. Puro sila mga gwaping at wala akong itulak-kabigin. Pare-pareho silang mababait. Sabagay, wala pa rin akong partikular na nagugustuhan sa lima kong manliligaw. Malapit ako sa kanilang lahat bilang kaibigan. Kahit lumalabas kami para kumain, may kasama akong ibang friends.
Sa totoo lang po, hindi pa ako nakararanas magka-boyfriend. Madalas akong pangaralan ng aking mga magulang na mag-iingat sa mga boys na manliligaw dahil baka hindi maganda ang kanilang intensiyon.
Naniniwala ako sa mga magulang ko kaya ang konsentrasyon ko ay sa aking pag-aaral.
Paano ko po malalaman ang katangian ng lalaking hindi ako lolokohin at walang masamang intensiyon? Sana matulungan ninyo ako.
Betsy
Dear Betsy,
Mahirap ang tanong mo. Ang kabaitan at pagka-maginoo ay maaaring arte lang o pakitang-tao. Alam mo na, para makaakit ng babaeng nililigawan.
Natutuwa ako at ikaw ay ulirang anak. Tama ka sa pagsunod sa payo ng iyong mga magulang.
Hindi masamang ligawan pero ingatan mo ang iyong sarili at huwag mo munang seryosohin ang pakikipag-boyfriend. Malalaman mo ang tunay na ugali ng lalaki habang nagtatagal at ikaw lamang ang makapaghuhusga kung ang isang taoy tapat o hindi.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended