Ibinabahagi ang mga Salita ng Diyos sa mga naninirahan sa Pennylane St. sa naturang lugar dahil uhaw na uhaw silang makarinig at matuto sa mga salita sa Biblia.
Sa unang pagtitipon, 23 mga matatanda, binatilyo at dalagita at mahigit sa 30 mga bata ang dumalo. Kumilos agad ang Diyos sa mga tao rito sa pamamagitan ng pagtugon Niya sa kanilang mga pangangailangan.
Isa na rito ay nang humiling si Aling Aida na ang tatlo niyang mga anak na lalaki ay magkatrabaho. Ipinanalangin ang kanyang kahilingan ng isa sa mga miyembro ng team ni Pastor Gil.
Noong nakaraang Sabado, tuwang-tuwang ibinalita ni Aling Aida kay Pastor Gil na tinugon ng Panginoong Jesu-Cristo ang kanyang kahilingan. Ang higit na nakakagulat ay hindi lamang ang tatlo niyang mga anak ang nakapagtrabaho kundi ang 42 mga binatilyo sa kanilang lugar.
Ang nangyari, isang kontratista na naninirahan sa pook na ito ang nakakuha ng trabaho sa MRT Pasay City at kailangan niya ng maraming trabahador. Ang trabahong ito ay hanggang Disyembre lamang subalit napakalaking tulong na ito sa pamilya ng 42 mga binatilyo, sabi ni Pastor Gil.
Ayon pa kay Pastor Gil, kapag kumilos ang Diyos ay hindi lamang isang pamilya ang makikinabang kundi kahit buong barangay o bansa. Pinatunayan lamang nito na mahal ng Diyos ang mga tao at gusto Niya na matulungan silang lahat kapag silay humiling sa Kanya at lalot higit kapag sumunod sila sa mga katuruan na nakasulat sa Biblia. Purihin at sambahin ang Panginoong Jesus sa kanyang ginawa sa mga taong naninirahan sa Valley Golf.