Nakatakda siyang operahan sa puso noong nakaraang linggo at natuloy din ang operasyon niya noong Huwebes ng gabi.
Umabot sa 13 oras ang operasyon ng aking asawa at naging unconscious siya sa loob ng siyam na oras. Beinte-kuwatro oras siyang tulog habang nakaratay siya sa kanyang higaan.
Sinabi ng doktor na baka hindi na raw magigising ang aking asawa at tuluyan na siyang ma-coma at magkaroon ng tama ang utak dahil sa matatapang na gamot na inilagay sa kanyang katawan.
Lahat sa mga sinabi ng doktor ay nakabatay sa obserbasyon at scientific findings pero hindi ko ito tinanggap dahil ang final arbiter ay ang Panginoong Jesu-Cristo. Ito ang ipinayo sa akin ng pamangkin ko na isang born-again Christian. Siya at ang kanyang asawa ay nanalangin. Tinawagan din nila ang kanilang mga kasama sa simbahan na magdasal para mailigtas ang aking asawa.
Totoo nga ang sinabi ng aking pamangkin.
Nabuhay ang aking asawa at sa kasalukuyan ay nagpapalakas na lamang siya. Purihin ang Panginoong Jesu-Cristo dahil binuhay Niya pa ang aking asawa at ang mga sinabi ng doctor laban sa kanya ay hindi nagkatotoo.
Ate Winona ng Butuan City