Noong Hulyo 9, siyam na mga teenager, 20 mga bata at isang mama na na-stroke at kakalabas lang sa ospital ang ipinagdasal namin. Uutal-utal ito kung magsalita.
May isa ring bata na may bukol sa ulo ang ipinanalangin din namin ng asawa ko at pagkatapos ay umuwi na kami sa aming tinitirhan sa Antipolo.
Sumunod na linggo, pumunta uli kami sa Welfareville at ang mama na naparalisa at utal-utal magsalita at ang batang may bukol sa ulo ay pinagaling na ng Panginoong Jesu-Cristo. Naigagalaw na ng mama ang kanyang katawan at matuwid na siyang magsalita. Ang bukol din ng bata ay nawala. "Ay, ang galing," sabi ng bata at ang lahat ay nagbigay ng papuri at papasalamat sa Panginoong Jesus.
Sarah Rabino ng Antipolo City