Nagustuhan nila ang ginagawa ko kung kaya palagi nila akong iniimbitahan at siyempre binabayaran nila ako.
Hindi ko sukat akalain na nakadepende na pala ang buhay ko sa kinikita ko sa halip na sa Diyos kahit na sinasabi ko sa sarili ko na sa Kanya lamang ako nagtitiwala sa lahat ng aking pangangailangan.
Hanggang sa isa-isa itong tinatanggal ng Diyos sa akin. Hindi na ako kumikita sa investments ko. Makalipas ang mga buwan, wala akong natanggap na e-mail sa mga prospects ko.
Nangusap ang Panginoong Jesus sa akin sa Jeremiah 9:23-24 na nagsasabing "Huwag ipaghambog ng pantas ang kanyang karunungan o ng malakas ang lakas na taglay niya ni ng mariwasa ang kanyang kayamanan. Kung may ibig magmalaki, ang ipagmalaki niyay ang pagkilalat pagkaunawa sa Akin, sapagkat Ako si Yahweh, ang gumagawa ng kabutihan, katarungan at katwiran sa sanlibutan. Ito ang mga bagay na ibig ko.
Akong si Yahweh ang nagsasabi nito." May natira akong pera pero tamang-tama lang sa aking mga pangangailangan dahil ang perang itinabi ko ay naibigay ko sa kaibigang higit na nangangailangan.
Napag-isip isip ko nga na kung ibibigay ko pa ang natatabi kong pera ay mauubusan na ako pero inudyukan ako ng Diyos na ibigay ko ito sa kanya (kaibigan ko).
Binuksan ko muli ang aking computer at tinitingnan ko kung may nagpadala ng e-mail sa akin. Mayroon nga at sinabi pa sa akin na mahigit sa P1 milyon ang tatanggapin ko. "Sa buong buhay ko, ngayon lamang ako makakatanggap ng ganito kalaking halaga."
Itinuro ng Diyos kung saan pupunta ang perang ito at kailangang mai-budget ko ito nang maayos. Purihin at sambahin ang Panginoong Jesu-Cristo sa ginawa Niya para sa akin.
Ate Josie ng Mandaluyong City