^

Dr. Love

Binigyan ako ng Panginoong Jesu-Cristo ng mahigit P1 milyon — Ate Josie

TAGUMPAY SA BUHAY - TAGUMPAY SA BUHAY Ni Rosbero Quinzon -
Ako po’y kareretire lamang sa NSO (National Statistics Office) at sa kasalukuyan ay madalas akong umaalis sa ibang bansa. Noon pa man ay ganito na talaga ang ginagawa ko. Naiimbitahan ako sa iba’t ibang bansa para gumawa ng survey hinggil sa population at sa iba pang kailangan nila.

Nagustuhan nila ang ginagawa ko kung kaya palagi nila akong iniimbitahan at siyempre binabayaran nila ako.

Hindi ko suka’t akalain na nakadepende na pala ang buhay ko sa kinikita ko sa halip na sa Diyos kahit na sinasabi ko sa sarili ko na sa Kanya lamang ako nagtitiwala sa lahat ng aking pangangailangan.

Hanggang sa isa-isa itong tinatanggal ng Diyos sa akin. Hindi na ako kumikita sa investments ko. Makalipas ang mga buwan, wala akong natanggap na e-mail sa mga prospects ko.

Nangusap ang Panginoong Jesus sa akin sa Jeremiah 9:23-24 na nagsasabing "Huwag ipaghambog ng pantas ang kanyang karunungan o ng malakas ang lakas na taglay niya ni ng mariwasa ang kanyang kayamanan. Kung may ibig magmalaki, ang ipagmalaki niya’y ang pagkilala’t pagkaunawa sa Akin, sapagkat Ako si Yahweh, ang gumagawa ng kabutihan, katarungan at katwiran sa sanlibutan. Ito ang mga bagay na ibig ko.

Akong si Yahweh ang nagsasabi nito." May natira akong pera pero tamang-tama lang sa aking mga pangangailangan dahil ang perang itinabi ko ay naibigay ko sa kaibigang higit na nangangailangan.

Napag-isip isip ko nga na kung ibibigay ko pa ang natatabi kong pera ay mauubusan na ako pero inudyukan ako ng Diyos na ibigay ko ito sa kanya (kaibigan ko).

Binuksan ko muli ang aking computer at tinitingnan ko kung may nagpadala ng e-mail sa akin. Mayroon nga at sinabi pa sa akin na mahigit sa P1 milyon ang tatanggapin ko. "Sa buong buhay ko, ngayon lamang ako makakatanggap ng ganito kalaking halaga."

Itinuro ng Diyos kung saan pupunta ang perang ito at kailangang mai-budget ko ito nang maayos. Purihin at sambahin ang Panginoong Jesu-Cristo sa ginawa Niya para sa akin.

Ate Josie ng Mandaluyong City
* * *
Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998, at Mandaluyong, 533-5171.

vuukle comment

AKIN

AKO

AKONG

ATE JOSIE

DIYOS

MANDALUYONG CITY

NATIONAL STATISTICS OFFICE

PANGINOONG JESU-CRISTO

PANGINOONG JESUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with