Napromote ang asawa ko dahil sa Panginoong Jesus Ate Rowena
August 7, 2006 | 12:00am
Civil Engineering graduate ang asawa ko at mayroon kaming dalawang anak. Babae ang panganay at lalake naman ang sumunod. Sa kasalukuyan, akoy buntis at sa Enero manganganak.
Ang asawa ko lamang ang nagtatrabaho at ako naman ang nag-aalaga sa dalawang anak namin. Ako ang naghahatid at nagsusundo sa babae naming anak sa eskuwelahan dahil malapit lamang ito sa aming bahay na tinitirhan. Nasa Preparatory pa lamang ang anak namin.
Nagsara ang kompanya na pinagtatrabahuhan ng asawa ko dahil ang may-ari nito pati na ang kanyang pamilya ay nangibang bansa na at doon na sila maninirahan.
May isang buwan ng nasa bahay lamang ang aking asawa nang siya ay matanggap sa isang international construction company. May isa pang kompanya ang gustong kumuha sa kanya subalit pinili niya ito dahil nauna itong nag-reply sa kanyang application.
Pagkaraan ng isang buwan, siya ay napromote bilang supervisor. Natutuwa ako dahil sinagot ng Panginoong Jesu-Cristo ang aming mga panalangin.
Bago kasi makapagtrabaho ang asawa ko, kami ay dumalo sa dalawang araw na seminar hinggil sa paksang "Encounter with Jesus" na pinangunahan ng aming pastor. Marami kaming natutunan at isa na rito ay ang mapalaya sa mga bondages. Pagkatapos nito, dumalo rin kami sa marriage encounter at natutunan namin ang tungkol sa covenant at forgiveness.
Kumilos ang Diyos sa aming relationship bilang mag-asawa kung kaya ang ibinigay Niyang regalo sa amin ay ang promotion ng asawa ko.
Ate Rowena Malaga ng Montalban
(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998, at Mandaluyong, 533-5171.)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended