Hindi na virgin ang kasintahan
August 3, 2006 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Bago ang lahat bayaan mong batiin muna kita ng isang pinagpalang araw pati na ang staff ng PSN at mga milyon mong tagasubaybay.
Ang pangalan koy Reggie, 29-anyos at binata. Mayroon akong kasintahan at nakatakda na ang aming kasal sa darating na taon. Mahal na mahal ko siya.
Dahil sa labis kong pagmamahal sa kanya ay iginalang ko siya tulad ng isang babasaging kristal. Isang taon kaming magkasintahan at hangga ngayoy hindi ko siya ginagalaw dahil gusto kong ireserba ito sa gabi ng aming honeymoon.
Kaso, may ipinagtapat siya sa akin kamakailan lang na labis kong ikinabigla. Sabi niya, mabuti raw na malaman ko ito nang maaga kaysa malaman ko kapag kasal na kami. Hindi ako ang unang boyfriend niya. Okay lang sa akin ito pero ang hindi ko matanggap ay naisuko niya ang kanyang pagkadalaga sa una niyang kasintahan.
I felt cheated. Siguro matatanggap ko ito kung noon pa ay sinabi na niya ito sa akin. Pero bakit ngayon lang kung kailan malapit na kaming ikasal? Noon, tinanong ko siya kung may karanasan na siya sa sex at ang sagot niyay virgin pa siya. Sinungaling pala siya.
Ngayoy nag-iisip ako kung itutuloy ko ang plano kong pagpapakasal. Tulungan mo ako.
Reggie
Dear Reggie,
Sa panahon ngayoy hindi importante ang virginity bastat magiging tapat sa isat isa ang babae at lalaking magkasintahan. Maaaring ang pagsisinungaling ay indikasyon ng kawalang katapatan pero hindi naman palagi.
Maaaring may mabigat na dahilan kung bakit nagsinungaling siya sa iyo. Itoy baka mo siya layuan sa sandaling malaman mo ang totoo. Maybe she loves you that much at ayaw ka niyang mawala sa kanya.
Kung mahal mo siya talaga, kalimutan mo na lang ang nangyari na at patawarin mo siya. Iyan namay kung humihingi siya ng tawad at mangangakong magiging tapat sa iyo.
Pero nasa sa iyo ang huling pasya. Buhay mo iyan, pakaisipin mo ang gagawin mong desisyon para huwag kang magsisi.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended