Tres amores
July 21, 2006 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Just call me Mimi, 22 years-old and very eligible. Ang problema ko ay tungkol sa tatlo kong boyfriends. Katunayan, lima pa nga sila dati pero dinispatsa ko na yung dalawa dahil di ko naman talaga type.
Sabi ng mga friends ko, masyado akong playgirl. Totoo. Sixteen years-old pa lang akoy mapaglaro na ako sa pag-ibig. Kaya kong pagsabay-sabayin ang limang boyfriends at one time. Pero na-realize kong walang idudulot na mabuti sa akin ang pagiging playgirl. The fact is gusto ko nang magbago talaga kaya nakipagkalas na ako sa dalawa kong boyfriends.
Ang problema ko ngayon, hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko sa kanilang tatlo. Pare-pareho silang guwapo at mabait. Pare-pareho rin silang may kaya.
Hindi sila nagkakaalamang isa lang ang girlfriend nila. Parusa kaya ito sa pagiging mapaglaro ko sa pag-ibig? Litung-lito na ako, Dr. Love. Sana ay matulungan mo ako sa kritikal na desisyong gagawin ko.
Mimi
Dear Mimi,
Gustuhin mo man, hindi puwedeng magpakasal sa tatlong lalaki. Isa lang ang pipiliin mo at didispatsahin mo yung dalawa.
Hindi ko kilala ang mga lalaking iyan sa buhay mo at hindi ko sila puwedeng i-evaluate para sa iyo. Ikaw ang higit na nakakakilala sa kanila. You do the evaluation. Para kang HRD officer ng isang tanggapan na pipili ng empleyadong dapat mong tanggapin.
Pag-aralan mong mabuti ang kanilang ugali. Bigyan mo sila ng pagsusulit kung silay akma nga sa iyong personalidad. Ang lalaking nakahihigit ang katangian ang siya mong piliin.
Huwag kang matakot na masasaktan ang mga lalaking kakalasan mo. Thats part of life. Masaktan man sila, makakalimot din sila pagdating ng araw.
Dr. Love
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended