^

Dr. Love

Naunsiyaming pangarap

-
Dear Dr. Love,

Kumusta po sa inyo at sa lahat ng mga bumubuo ng editorial desk ng PSN.

Sana po ay datnan kayo ng liham kong ito na nasa mabuting kalagayan sa buhay.

I’m Ramon Chito R. Pascual, isang avid reader ng iyong column, kasalukuyang nakapiit dito sa pambansang bilangguan. Single po ako at 20 taong gulang. Ako po ay tubong Bulacan at ito ang unang pagkakataon na sumulat ako sa inyo.

Nagkaroon po ako ng lakas ng loob na sumulat sa inyo dahil po habang tumatagal at sa tuwing binabasa ko ang inyong column ay nakapagdudulot ito sa akin ng kasiyahan at magandang aral sa buhay. Nakapagdudulot din po sa akin ng panibagong pag-asa sa buhay ang magagandang aral na binibigyang diin ninyo sa lahat na mga nagdudulog sa inyo ng suliranin.

Taong 2000, sa aming bayan sa Bulacan, isang puwesto ng bigasan ang aking naitatag sa tulong ng aking pamilya. Maganda na po sana ang takbo ng aking munting negosyo hanggang isang araw, mayroong masasamang loob na pumasok sa aking tindahan at kinuha nila ang perang pinagbentahan namin ng bigas.

Tanging isang bata ang naging saksi ng naganap na pagnanakaw.

Dumaan ang ilang buwan at ang bata ring ito ang siyang nagsumbong sa akin na nakita niya ang grupong nagnakaw sa aking tindahan. Itinuro niya sa akin ang tatlong lalaking salarin.

Iyon lang at hindi ako nakapagpigil. Pinuntahan ko ang kinaroroonan ng tatlo at nailagay sa aking mga kamay ang batas.

Saksi ang Diyos sa buong pangyayari. Inundayan ko ng saksak ang isa sa kanila. Sa kabutihang palad, hindi naman siya namatay.

At ang batas na dapat sana’y nagparusa sa kanila ang siyang nagparusa sa akin ngayon.

May kasintahan po ako pero mula nang ako ay makulong ay ni hindi man lang niya ako dinalaw ni sinulatan. Mag-aapat na taon na po akong nakapiit. Sa ngayon, malungkot ako at patuloy na naghahangad na sana ay magkaroon ng mga kaibigan sa panulat sa pamamagitan ng inyong column.

Sa pamamagitan rin po ng paglalathala ninyo ng mapait kong kasaysayan, makapagbigay din po sana ako ng magandang aral sa inyong mga mambabasa.

Huli na nang mapag-isip ko na hindi ko sana inilagay sa aking mga kamay ang batas.

Hanggang dito na lang po at sana’y lumawig pa at patuloy na lumaganap ang inyong pitak.

Good luck to you and God bless you!

Ramon Chito R. Pascual

Cell #226, Camp Sampaguita,
Medium Security Compound,
Muntinlupa City 1776


Dear Ramon,


Isa ring mataos na pagbati sa iyo at sa iba pang kasamahan mo diyan.

Nakatutuwa namang mabatid na nakapagdudulot ang pitak na ito ng munting kaligayahan at aral sa inyo diyan. Sana, huwag kayong manghinawa sa pagbabasa ng PSN at ng pitak na ito.

Mabuti naman at natanggap mong nagkamali ka nang ilagay mo sa iyong mga kamay ang batas. Ang pagkukulang mo, hindi mo isinuplong sa mga awtoridad ang nangyaring nakawan sa tindahan mo.

Nangyari na ang dapat na mangyari at ang maipapayo ko lang, pagbutihin mo ang rehabilitasyon diyan sa loob at huwag kang makakalimot sa pagtawag sa Panginoon.

Nakapagpapagaan ng damdamin ang pagtitika at sana ay maging daan ito para sa maagang paglaya mo mula sa piitan.

Kung nakalimot man sa iyo ang nobya mo, hayaan mo na lang siya. Buti at nakilala mo siya habang maaga.

Sa pamamagitan ng column na ito, sana’y maraming makabasa nito para makatanggap ka ng maraming sulat mula sa mga taong nakakaunawa sa problema mo at kalagayan ngayon sa buhay.

Muli, salamat sa liham mo at good luck sa pagbabagong-buhay mo.

Dr. Love

AKING

AKO

BULACAN

CAMP SAMPAGUITA

DEAR RAMON

DR. LOVE

RAMON CHITO R

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with