Umiibig sa bayaw
June 30, 2006 | 12:00am
Dear Dr. Love,
A pleasant day to you. Umaasa akong maitatampok mo sa iyong malaganap na kolum ang aking sulat. Tawagin mo na lang akong Glenda, 20-anyos at isang estudyante.
Hindi ko sukat akalaing susulat din ako sa iyo para humingi ng payo. Akala ko, lagi na lang akong magiging isa sa mga milyun-milyon mong readers. Pero nagkaroon ako ng problema sa puso.
Ill be direct to the point. Umiibig ako sa aking bayaw. Habang akoy nag-aaral sa kolehiyo, nakatira ako sa bahay ng ate kong may asawa. Nakita ko ang kabaitan ng aking bayaw sa pamilya. Mayroon na silang isang anak na tatlong taong gulang.
Noon pa mang una ay may crush na ako sa bayaw ko. Pero tingin koy naging true love ang nadarama ko sa kanya habang nakikilala ko ang kanyang buong pagkatao.
Alam kong mali ang nararamdaman ko. Pero anong magagawa ko? Pilit ko mang itakwil ang feelings na ito ay hindi ko magawa. Kapag nagkikita kami ni bayaw sa bahay, natutulala ako.
Kung minsan, nakakahalata yata siya sa aking reaksyon. Ano ang nararapat kong gawin? Pakiramdam ko kasi, kung siya ang magparamdam na may kursunada sa akin ay baka hindi ko matanggihan. Magiging taksil ako sa sarili kong kapatid.
Please help me.
Glenda
Dear Glenda,
The best thing to do is leave that house at mangupahan ka na lang sa dorm. Masama ang pumatol sa may asawa at lalong masama kung ang ginugusto moy asawa ng sarili mong kapatid.
Tama ka. Ang damdamin ay damdamin na mahirap iwaksi. Bago mauwi sa seryosong problema iyan, makabubuting bumukod ka. Ibaling mo ang iyong paningin sa mga manliligaw mo kung mayroon. Lagi mong isipin na hindi ka dapat magtaksil sa sarili mong kapatid. Ikaw na rin ang nagsabi na mabait na padre de pamilya ang bayaw mo. Huwag mong bayaang masira ang pamilya ng iyong ate nang dahil sa iyo.
Kung very close ka sa ate mo, mag-usap kayo nang sarilinan at sabihin ang nadarama mo na siyang dahilan kung bakit gusto mong bumukod. Naniniwala akong mauunawaan ka niya. Kung minsan, ang pagtatapat ay posibleng bumura sa maling damdamin.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended