^

Dr. Love

Biktima ng pag-ibig?

-
Dear Dr. Love,

Pagbati ng isang mapagpalang araw sa inyo at sa lahat ng mga bumubuo ng PSN.

Tawagin mo na lang po akong si J.V., 29 taong-gulang, tubong Zambales. Sa kasalukuyan po ay nakapiit ako sa Medium Security Compound ng Camp Sampaguita sa kasong homecide.

Naglakas-loob po akong lumiham sa inyo dahil nais kong ibahagi ang kasaysayan ng aking buhay at pag-ibig at sana ay kapulutan ito ng aral ng inyong mga mambabasa.

Taong 1995 nang makilala ko si Rosemarie, isang kasamahan ko sa trabaho. Ako ay isang checker sa isang minahan sa Zambeles at si Rosemarie naman ay isang sekretarya doon.

Naging malapit kami sa isa’t isa hanggang sa naging magkasintahan kami.

Akala ko noon, wala nang katapusan ang kaligayahan sa buhay ko dahil matibay ang pagmamahalan namin sa isa’t isa ni Rosemarie.

Nguni’t isang araw, nagulat na lang ako nang sabihin ni Rosemarie na kailangang maglimutan na kami.

Hindi ko matanggap iyon. Pinilit ko siya kung ano ang dahilan ng kanyang pakikipag-break sa akin.

Hanggang sa mapilitan siyang sabihin na biktima siya ng pagsasamantala ng isa niyang pinsan na kapisan nila sa bahay.

Agad kong hinarap ang sinasabi niyang pinsan at nagdala pa ako ng baril bilang paghahanda sa posibleng karahasan na maaaring mangyari bilang resulta ng aming paghaharap.

Tama nga ang sapantaha ko. Nang tanungin ko ang pinsan ni Rosemarie kung bakit niya nagawang pagsamantalahan ang pinsan niya, sinagot niya ako ng pabalagbag na huwag ko raw pakialaman ang usapin nila.

Umabot sa mainitan ang aming pag-uusap hanggang sa mabaril ko siya. Namatay ang pinsan ni Rosemarie at nadiin ako sa kasong pagpatay.

Ang masakit nito, si Rosemarie pa mismo ang tumestigo laban sa akin sa husgado.

Hindi man lang niya ako dinalaw sa kulungan ni minsan.

Sa pangungulila at kalungkutan, natatanong ko lagi ang sarili kung ako ba ay isang biktima ng pag-ibig?

Narito ako, nagdurusa at nagsisisi dahil sa pagkasira ng aking buhay bunga ng babaeng hindi pala karapat-dapat mahalin. Dalangin ko na sana, muli akong bigyang pagkakataon ng Diyos na magkaroon pa ng isang maligayang buhay sa piling ng aking mamahalin.

Sinisikap kong muling buuin ang aking nawasak na pangarap sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo dito mismo sa loob ng Camp Sampaguita.

Payo ko sa mga kabataan, iwasan ang padalus-dalos na desisyon dahil laging nasa huli ang pagsisisi.

Dr. Love, may pag-asa pa ba akong makatagpo ng isang babaeng mamahalin na hindi ako ipapahamak?

Sana po sa pamamagitan ng inyong column, magkaroon ako ng mga kaibigan sa panulat.

Salamat po.

Lubos na gumagalang,

Jerry Vic Antes
B.S. Commerce Department,
Camp Sampaguita,
Muntinlupa City 1776


Dear Jerry,


Nakalulungkot na mabatid na naging biktima ka ng bulag na pagmamahal.

Bagaman hindi kita nais na sisihin sa nangyari, kung nanaig sa iyo ang hinahon at kalamigan ng ulo, nakaiwas ka sana sa engkuwentro at pagpatay ng tao.

Talagang laging nasa huli ang pagsisisi lalo na’t ang ipinagtatanggol mo ay hindi naman naging tapat sa iyo.

Pero huwag mo nang ganap na sisihin ang sarili mo dahil maaaring ang insidente ay nangyari para mamulat ang mga mata mo at magkaroon ng leksiyon sa sariling kamalian.

Ipagpatuloy mo ang pagsisikap na makatapos dahil ang karunungang matatamo mo ay isang magandang baon sa pagbabalik mo sa laya.

Makakatagpo ka rin ng babaeng mamahalin mo at mamahalin ka nang tapat.

Pagbutihin mo ang rehabilitasyon sa loob para mas maaga kang makalaya.

Dr. Love

AKO

CAMP SAMPAGUITA

COMMERCE DEPARTMENT

DEAR JERRY

DR. LOVE

ISANG

JERRY VIC ANTES

MEDIUM SECURITY COMPOUND

MUNTINLUPA CITY

ROSEMARIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with