Subalit nang gawin ko si Jesu-Cristo na aking Panginoon, Diyos at Tagapagligtas, kahit kailan ay hindi na ako nagmura. Dahil sa pagbabago kong ito, napansin ako ng aking mga magulang, mga kapatid at mga kaibigan. Dahil dito, ang aking mga kapatid, mga magulang at iilang mga kaibigan ay naakay ko sa Panginoong Jesus. Ngayon, sila man ay binago ng Panginoong Jesus kagaya ko.
Nabanggit ko ito dahil napatunayan ko na totoo ang mga Salita ng Diyos o Biblia. Sinasabi sa Salmo 84:11 na hindi pinagkakaitan ng Diyos ang mga anak Niya na lumalakad sa kabanalan o katwiran. Isa sa maraming patotoo ko na ginawa ng Diyos sa buhay naming mag-asawa ay ang aming pangalawang anak na si Dan Joseph.
Siya ay 4th year high school sa isang paaralan sa Marikina. Kailan lamang, siya ay nagpunta sa Madison University, Virginia, USA para lumahok sa paligsahan na sinasalihan ng ibat ibang mga paaralan sa ating bansa at sa ibang bansa.
Tinugon ng Diyos ang aming panalangin na siya ay hindi mapahiya sa paligsahang ito. Nanalo si Dan ng 1st prize sa clown act, 3rd sa chess, 4th sa radio program at 11th sa science reporting (engineering). Sa dinami-dami ng mga participants, isa siya sa mga nagwagi.
Purihin ang Panginoong Jesu-Cristo at hindi Niya talaga ipinagkait ang mga mabubuting bagay sa Kanyang mga anak na lumalakad sa kabanalan at katwiran. Totoo ang Kanyang Salita at kahit kailan ay hindi pa Niya kami binigo. Purihin at sambahin Siya dahil Siya lamang ang ating tanging Pag-asa.
Kuya Gil ng Cainta