^

Dr. Love

Nakakita ng ibang mahal

-
Dear Dr. Love,

I have been reading your column for two years now. Di ko akalain na susulat din ako sa iyo para humingi ng payo. And I need your advise so badly because of the seriousness of my problem. Tawagin mo na lang akong Elma, 25-anyos.

Mayroon akong boyfriend for one year at nagkasundo na kaming magpakasal sa susunod na taon. Tawagin mo na lang siyang Eldon. Akala ko ay siya na ang lalaking pakakasalan ko.

Hanggang sa makilala ko ang isang lalaking nagpatibok ng aking puso. Just call him Serafin. Marami na akong naging boyfriends pero iba ang feelings ko sa lalaking ito. Matindi ang dating. Guwapo, maginoo, responsable at may sariling negosyo. Nakilala ko siya sa birthday party ng aking kaibigan. Tatlong buwan na kaming magkakilala ngayon at niligawan niya ako. Hindi nagtagal ay sinagot ko siya kahit may commitment na ako sa aking boyfriend.

Paano ko sasabihin sa boyfriend ko na nakakita ako ng ibang lalaking mas mahal ko? Naguguluhan ako ngayon for many reasons.

Alam kong makakasakit ako ng loob kapag sinabi ko sa boyfriend ko na ipinagpalit ko siya sa iba. Hindi ko matiyak ang magiging reaksyon niya.

Naaawa rin ako sa kanya dahil batid kong mahal na mahal niya ako. Katunayan, naipakilala na niya ako sa kanyang mga magulang at buong pamilya. Lahat ng mga kaanak niya’y alam ang balak naming pagpapakasal. Ano ang gagawin ko, Dr. Love?

Elma


Dear Elma,


It will be more unfair kung papaniwalain mo ang iyong boyfriend na mahal mo pa siya gayung mayroon ka nang ibang mahal. Bukod diyan, malalaman at malalaman niya ang totoo pagdating ng araw. Mas pangit naman kung sa araw mismo ng inyong itinakdang kasal ka makikipag-break sa kanya, di ba? Kaya mabuti pa na sabihin mo na agad ang totoo as soon as possible. The right time is now. Huwag ka nang magpa-delay-delay para minsanan lang ang sakit. Masaktan man siya, maghihilom din ang sugat at mawawala ang sakit in due time. May kasabihang time heals all wounds.

You cannot have the best of both worlds. Hindi ka puwedeng makipag-break to proceed with a new love affair without hurting the man that you used to love. Masasaktan siya at imposibleng isumpa ka niya pero iyan ay natural na reaksyon ng taong nasaktan ang puso. You have to face the consequence of your act.

Pero tiyak mo ba na ang bagong lalaki sa buhay mo ay talagang mahal mo? Baka kasi dumating din ang panahon na ipagpalit mo rin siya sa iba kapag nakakita ka ng lalaking nakahihigit ang katangian. Make sure of your feelings, Elma.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ALAM

ANO

BUKOD

DEAR ELMA

DR. LOVE

ELMA

NIYA

SIYA

TAWAGIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with