^

Dr. Love

‘Pinalaki ng Panginoong Jesus ang kita ko kahit may edad na ako’

TAGUMPAY SA BUHAY - TAGUMPAY SA BUHAY Ni Danny Junco -
Kahit ako ay may edad na, kayang-kaya pala ng Panginoong Jesus na palakihin ang kita ko. Ito ang naging karanasan ko. Bagaman sa Hunyo pa ako makakatanggap sa pagpapala, ngayon pa lang ay ipinagpapasalamat ko na sa Panginoong Jesus ang Kanyang kabutihan sa akin at sa aking pamilya.

May 30 taon na kaming nagsasamang mag-asawa at tatlo naming mga anak na naninirahan sa Brunei. Dito rin kami nagtatrabaho ng asawa ko at tuwing Disyembre lang kami umuuwi sa Pilipinas para makapiling ang mga mahal namin sa buhay tuwing Pasko at Bagong Taon.

Nagpasya kaming mag-asawa na tuluyan na naming iwanan ang Brunei at dito na lang kami sa Pilipinas maninirahan hanggang sa aming pagtanda. Magnenegosyo na lang kami sa konti naming naiipon upang mapag-aaral namin ang aming mga anak.

Pero naiba ang ihip ng aming plano nang dumating ang kaibigan ko galing sa isang isla na pinamamahalaan ng Estados Unidos. Tinanong niya ako kung gusto kong magtrabaho sa ibang bansa at ang sabi niya sa akin ay i-email ko na lang ang biodata ko sa kanya.

Kinonsulta ko ito sa aking asawa at ang sabi niya sa akin, ipag-pray namin ito sa Diyos. Lumipas ang mga buwan at wala akong ginawang biodata hanggang sa tawagan ako sa ng kaibigan ko para kausapin.

Sa aming pag-uusap, sinabi niya sa akin na nasabi na niya sa kanyang boss na ako ay magtatrabaho sa kanyang kompanya at makakasama ko ang aking buong pamilya. Bago nangyari ito, kaming mag-asawa ay humiling sa Diyos ng mga palatandaan kung talagang itong pagpunta namin doon ay kalooban Niya talaga.

Lahat ng senyales na hiniling namin ay sinagot ng Diyos at lalong lumakas ang loob ko nang tawagan ako ng mismong may-ari ng kompanya. Doon ko lang nalaman na kaibigan ko pala siya at nakasama ko siya sa kompanyang pinagtrabahuhan ko sa Brunei may ilang taon na ang nakalipas. Lalo akong nagalak dahil talagang napakalaki ng sasahurin ko.

Pinatunayan lang ng Panginoong Jesus na kapag tayo ay tapat sa Kanya, sumusunod sa Kanyang mga kautusan at gumagawa nang mabuti sa kapwa-tao at kaninoman para sa ikaluluwalhati Niya ay talagang susuklian ka Niya ng kabutihan. Purihin ang Panginoong Jesus!

Kuya Mar Estacio ng Taytay, Rizal

(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998, at Mandaluyong, 533-5171.)

BAGONG TAON

BRUNEI

DIYOS

ESTADOS UNIDOS

KANYANG

KUYA MAR ESTACIO

LANG

NIYA

PANGINOONG JESUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with