^

Dr. Love

Handang buksan ang puso

-
Dear Dr. Love,

Isang napakagandang araw po sa inyo, Dr. Love. Sa dami po ng tumatangkilik sa inyong pahayagan, isa po ako sa natuwa at naakit na lumiham sa inyo para humingi ng payo sa aking problema.

Isa akong bilanggo at habang narito ako sa loob ng kulungan, poot at galit ang aking nararamdaman at hangaring makaganti sa aking sinapit.

Pero nabago ang damdaming ito nang dumating sa buhay ko ang isang babae na nagbigay sa akin ng panibagong pag-asa sa buhay.

Siyempre, binata pa po ako at madali para sa akin ang tumanggap ng responsibilidad at pang-unawa at higit sa lahat pagmamahal.

Sa paglipas ng maraming taon, nagbago ang ihip ng hangin. Nagkatampuhan kami ng nobya ko sa hindi ko malamang dahilan. Sinikap ko sanang maayos ito sa paniniwalang lahat na magnobyo ay nagkakaroon ng tampuhan. Pero nang kalaunan, pinalaya ko na siya dahil ito ang hinihingi niya sa akin.

Pinilit ko siyang inunawa. Maging ang sarili ko ay siyang sinisi ko na nagkaroon ng pagkukulang kaya nagkasira kami ng nobya ko.

Minsan, itinatanong ko sa Diyos sa aking pagdarasal kung bakit hindi na lang niya ginawang pantay-pantay ang mga tao.

Bakit kako may nalulungkot, gayong ang iba ay nasisiyahan sa buhay.

Ang dahilan ba ng paglimot ng aking nobya ay dahil sa mababaw niyang pagtingin sa isang tulad kong nasa likod ng rehas na bakal?

Ang kailangan ko lang ay pang-unawa at hindi awa. Ang masakit, kung kailan pa naman naging totoo ako sa isang minamahal ay ngayon pa ako sinusubukan ng tadhana.

Sana, sa pamamagitan ng column ninyo, maipabatid ko sa lahat na hindi lahat ng nakakulong ay masamang tao. Kaya naming patunayan iyan sa mga naghahanap ng tunay na pagmamahal.

Sa pamamagitan po ng pitak na ito, nais kong magkaroon ng mga kakilala sa panulat para maibsan ang kalungkutan ko sa pag-iisa.

Hanggang sa muli at aabangan ko na lang ang inyong kasagutan.

God bless you and more power.

Nelson Rama, 33 years old

Dorm 237 Bldg. 2,

Camp Sampaguita,

Muntinlupa City 1776


Dear Nelson,


Sana, mabasa mo ang pitak na ito nang may bukas ding kaisipan sa mga payong sasabihin ko sa iyo.

Hindi ko masyadong maliwanagan kung ang nobya mo ay naging kasintahan mo habang nasa loob ka ng piitan o wala ka pa sa piitan ay girlfriend mo na.

Hayaan mo na siya kung hiningi na niya ang kalayaan.

Siguro naiinip na siya ng paghihintay sa paglaya mo at nais na niyang lumagay sa tahimik.

Pero ang kalagayan mo sa ngayon ay hindi daan para mawalan ka na nga ng pag-asa sa buhay.

Sikapin mong magbagong-buhay, talikdan na ang masasamang gawi at pag-aralang huwag nang madapa uli sa tulong ng mga naging karanasan mo sa buhay.

Marami ka pang makikilalang ibang babae. Bata ka pa naman sa edad na 33-years old. Life begins at 40 ika nga.

Sana, matutuhan mong magpatawad at hangarin ang kaligayahan ng iba lalo na ng naging gf mo sa kabila ng paglimot niya sa iyo.

Nasa pagpapakumbaba ang kapayapaan ng damdamin at nasa pagpapatawad ang pagkakaroon ng isang malayang isipan.

Manalangin ka lagi para sa kapayapaan ng damdamin.

Dr. Love

BAKIT

BATA

BUHAY

CAMP SAMPAGUITA

DEAR NELSON

DR. LOVE

MUNTINLUPA CITY

NELSON RAMA

PERO

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with