^

Dr. Love

Kapwa ko mahal ko

-
Dear Dr. Love,

A pleasant day to you. Just call me Rodil, 25 years-old and working in a business firm in Makati as a computer analyst. Magandang lalaki ako at maraming nagkaka-crush.

Katunayan, nagkaroon ako minsan ng girlfriend pero hindi kami nagtagal at nakipag-break ako agad. Ang dahilan kasi ng pakikipagrelasyon ko sa babae ay upang pagtakpan ang tunay kong damdamin.

Although vary manly ang panlabas kong anyo, hindi alam ng marami na ang nararamdaman ko ay kung ano ang nararamdaman ng babae. Sa lalaki ako nagkakagusto.

Pero pinipigilan ko ito. Ayokong mahulog sa tukso dahil ako’y naniniwala sa sinasabi ng Bible laban sa homosexuality. Napakahirap ng katayuan ko. Tatawagin marahil ako ng iba na "closet queen" at iyan ay totoo. Ayokong ilantad ang katotohanan dahil isa akong Christian at alam kong bagamat mahal ng Diyos kahit ang mga tinatawag na kasapi ng third sex, isang malaking kasalanan na gawin ko ang karaniwang ginagawa ng mga bakla. Ang pumatol sa kanilang kapwa lalaki.

So far, ang nagpapalakas sa akin ay panalangin at pagbubulay sa Salita ng Diyos. Pero natatakot akong mahulog sa tukso dahil kinikilala ko ang kahinaan ko bilang isang tao.

Pagpayuhan mo ako Dr. Love.

Rodil


Dear Rodil,


Hindi mo kailangang maging bakla o tomboy para mabulid sa tukso. Tunay mang lalaki o babae ay may tinatawag na vulnerability sa kasalanan. Ipagpatuloy mo ang iyong pagbubulay sa Salita ng Diyos at panalangin dahil iyan ang magbibigay ng lakas sa iyo.

Tandaan mo na ibinigay ng Diyos ang kanyang Anak sa atin para magsilbing kalakasan natin sa gitna ng tukso. Alam kasi ng Diyos ang ating kahinaan kaya isinugo niya sa mundo ang kanyang anak upang tubusin tayo sa pagkakasala sa pamamagitan ng Kanyang aral. Patuloy kang tumangan sa Salita ng Panginoon at Siya ang magpapalakas sa iyo.

Si Cristo ay naging tao. Ayon sa Biblia, tulad ng ordinaryong tao, Siya ay dumanas ng lahat ng klase ng tukso pero kailanman ay hindi siya nahulog dito. Si Cristo ang gawin nating modelo at sentro ng ating buhay.

Dr. Love

AKO

AYOKONG

DEAR RODIL

DIYOS

DR. LOVE

PERO

RODIL

SALITA

SI CRISTO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with