Ipinagpalit niya ako sa aking pinsan
March 7, 2006 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa pong magandang araw sa inyo at sa lahat ng mga mambabasa ng PSN.
Lumiham po ako para maibahagi ang aking kasaysayan sa pag-ibig at makahingi ng mahalaga ninyong payo.
Gaya nang nakita ninyo sa pamuhatan ng aking liham, isa po akong bilanggo.
Noong ako ay nasa buhay-laya pa, mayroon po akong girfriend na itago natin sa pangalang Janet.
Halos magkasing-edad kami, 24 years-old.
Masaya kami noon at may pangako siyang anuman ang mangyari sa aming dalawa, magkasama naming kakaharapin ang lahat ng mga problema sa hirap at ginhawa.
Naniwala naman ako sa kanyang pangako. Pero ngayong narito na ako sa loob, nakakulong sa isang pagkakasalang hindi ko na nais banggitin, nalimutan na niya ako.
Nabalitaan ko na lang na ipinagpalit niya ako sa isa kong pinsan. Nasaan na ang pangako niya sa akin?
Hindi ko lubos na maisip kung bakit sa pinsan ko pa niya ako ipinagpalit. Hindi ko po alam kung mapapatawad ko pa siya sa ginawa niya sa akin.
Nawalang parang bula ang lahat ng aming pinagsamahan at mga pangarap na pinagtuwangang buuin.
Payuhan po ninyo ako.
Hangad ko po ang patuloy na pagtatagumpay ng column ninyo at maraming salamat sa pagbibigay-pansin ninyo sa aking problema.
Jancy Lopez
Dorm 235, M.S,
Camp Sampaguita,
Muntinlupa City 1776
Dear Jancy,
Talagang mahirap maunawaan ang pag-ibig.
Mahirap ding humanap ng isang kasintahang makakatuwang mo sa hirap at ginhawa.
Kung ang mag-asawa nga ay nagkakahiwalay pa, ang magnobyo pa kaya?
Huwag mo nang masyadong damdamin ang pangyayaring ito sa buhay mo dahil ang nobya mong si Janet ay maaaring nawalan na pag-asang maghintay pa sa paglaya mo.
Tao lang siyang marupok at madaling madarang sa tukso.
Idaan mo na lang sa panalangin ang paglimot niya at sigurado namang makakatagpo ka rin ng ibang magmamahal sa iyo nang ganap anuman ang iyong nakaraan.
Patawarin mo na siya at makikita mo, mawawala ang poot sa dibdib mo.
Nasa pagpapalaya mo sa dati mong nobya ang katahimikan ng iyong isip at puso.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended