Salat sa ganda

Dear Dr. Love,

Just call me Joanna, 20 years-old and a Mass Communications student. Marami akong magandang katangian. Topnotcher ako sa klase at isang consistent scholar. Mahusay din akong kumanta at mag-compose ng mga awitin.

Isang bagay lang ang hindi ibinigay sa akin ng Panginoong Diyos. Beauty. Bukod sa maitim ako, bansot pa ako sa height na 4’11.

When I became a teen-ager, I began to realize that I was ugly. I just content myself with the thought that I’m exceptionally better scholastically than my peers in school.

Naging favorite song ko rin ang lumang awiting "At Seventeen" na tungkol sa isang babaeng kulang sa kagandahan kaya zero ang lovelife. Nagsisimula ang awitin sa "I learned the truth at seventeen, that love was meant for beauty queens."

Inggit na inggit ako sa mga kamag-aral ko na maraming manliligaw. Ako, ni minsan ay hindi ako naligawan. Marami akong kaibigang boys pero hanggang doon na lang, kaibigan.

Kahit ganyan ang kalagayan ko, hindi ko ipinahahalata sa mga kaibigan ko na miserable ang nararamdaman ko.

May nagugustuhan akong lalaki. Hindi rin siya guwapo pero matalinong tulad ko. Ang problema, di niya ako pinapansin. Tama bang I take the first move para maging close kami?

Joanna


Dear Joanna,


Huwag mong isiping malaki ang kakulangan sa iyong pagkatao. The fact na matalino ka at angat sa mga kamag-aral mo ay isang pambihirang katangian. It is not physical beauty that pushes a person to achieve success but cerebral capacity. At taglay mo ang katangiang iyan.

Don’t despair but thank God for the talent He gave you. Tungkol sa lalaking napupusuan mo, try to befriend him without necessarily showing that you are emotionally attracted to him. Pareho kayong matalino, siguro puwede kayong magpalitan ng opinyon tungkol sa inyong pinag-aaralan. That could start a friendship na posibleng mauwi sa romance. Inuulit ko, huwag mong ismolin ang sarili mo.

Dr. Love

Show comments