Pagkatapos ng kasal, agad iniwan
January 13, 2006 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Marietta ng Pasay City, may asawang naturingan pero ang kinaroroonan ng aking mister ay di ko alam. Isa siyang Japanese national at tawagin mo na lang siyang Mosanabu Ogawa. Ikinasal kami noong July 1996. Nakilala ko siya sa Japan nang akoy naglilingkod doon bilang isang entertainer.
Nang bumalik ako ng Pilipinas ay sumunod siya at dito kami nagpakasal. Nakakatawa. Ni hindi kami nagsama nang matagal ng naturingan kong asawa. Pagkatapos ng kasal, nagsama kami ng isang linggo sa tinitirhan kong apartment. Pagkatapos noon, bumalik siya sa Japan at nangakong ipepetisyon niya ako. Naghintay ako ng matagal pero hindi natupad ang pangako niya.
Lahat ng efforts ay ginawa ko para mahanap siya. Nag-inquire ako sa mga kaibigan kong nasa Japan pa pero wala silang maibigay na impormasyon. Pati sa Bureau of Immigration ay nagtanong ako pero wala silang available record na nangangahulungang peke ang kanyang pangalang ginamit sa kasal namin.
Ang problema ko ay ito. Ayon sa record ng National Statistics Office, balido ang aming kasal. Bata pa ako at gusto ko nang mag-asawang muli pero nagiging hadlang ang aking kasal kay Ogawa.
Sana po ay makatulong ang paglalathala ninyo sa aking kasaysayan para mapawalang-bisa ang kasal na ito.
Marietta
Dear Marietta,
Tama ka. You are entitled to seek your own happiness. Alam ng Diyos ang pagsisikap mong mahanap ang iyong nawawalang asawa at maraming taon na ang iyong pagtitiis.
I wish you all the best at sanay nakatulong ang kolum kong ito sa iyo. God bless you.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am