Dapat ko ba siyang sisihin?
January 12, 2006 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isang mataos na pagbati sa inyo at sa lahat ninyong mga kasamahan sa pasulatan ng PSN.
Naglakas-loob po akong lumiham sa inyo upang ibahagi ang mapait kong karanasan sa buhay at tuloy humingi sa inyo ng payo at sana rin, sa pamamagitan ng paglalathala ninyo sa liham ko, magkaroon ako ng maraming kaibigan sa panulat.
Tawagin na lang ninyo akong si Jhay, tubong Romblon at hanggang ngayon ay binata pa dahil sa mapait na karanasan sa pag-ibig. Isa pa, naririto ako ngayon sa Pambansang Piitan dahil sa kasong pagtatanggol sa sarili.
Dati po, mayroon akong kasintahan at noong una, dinadalaw pa niya ako dito sa piitan.
Hanggang sa ipagtapat niya sa akin na siya ay may nakilalang pastor na tumutulong sa kanya para mapatatag daw ang kanyang damdamin.
Masaya po siya kapag ikinukuwento niya sa akin ang kanilang fellowship. Hanggang sa katagalan, ipinagtapat niya sa akin na nag-iibigan na sila ng pastor.
Ano pa ba ang magagawa ko kundi ang palayain siya? Nakakulong ako at hindi ko siya mabigyan ng kailangan niyang atensiyon.
Pero masakit sa akin ang nangyari. Hanggang sa nabalitaan ko na lang na ang mahal ko ay tuluyan nang sumama sa pastor.
Pagpayuhan po ninyo ako. Iniisip ko na sana, hindi siya dapat na inagaw sa akin ng pastor.
Dapat ko bang sisihin ang aking mahal sa pagtalikod niya sa akin at kawalan niya ng katatagan?
Umaasa,
Jhay Mesana
Bldg. 5-A, Pilco I,
Camp Sampaguita,
Muntinlupa City 1776
Dear Jhay,
Isa ring masaganang pagbati. Sana, ang taong ito ay maging mabunga para sa iyo at makalimutan mo na ang hapdi ng tinamo mong kasawian sa pag-ibig.
Nang pinalaya mo ang mahal mo, ang binigyang konsiderasyon mo ay ang kalagayan mo sa buhay sa kasalukuyan. Hindi mo maibigay sa nobya mo ang kailangan niyang atensiyon at suporta.
Isa pa, magnobyo pa lang kayo at hindi naman kasal kayat may laya siyang humanap ng iba. Kaya nga lang, naging marupok siya at sa gitna ng dusa ay iniwanan ka niya.
Sana, kalimutan mo na ang naging kasawian mo sa pag-ibig.
Ang pag-ukulan mo ng pansin ay ang pagpapakabuti habang nariyan ka sa piitan para maaga kang makalaya.
Pagbutihin mo rin ang pagbabago sa sarili at sa paghahanda kung paano muling makipamuhay sa laya sa sandaling lumabas ka na sa piitan.
Tatagan mo ang iyong sarili, iwasang mapabasag-ulo at dagdagan pa ang dalangin para maharap mo ang iba pang mga darating na hamon ng buhay.
Good luck at sana, magkaroon ka ng maraming kaibigan sa panulat.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended