^

Dr. Love

Paano bubuhayin ang pag-ibig?

-
Dear Dr. Love,

Bago ako maglahad ng aking problema sa puso, bayaan mong batiin kita ng isang Maligayang Pasko at nawa’y maging lipos ng pagpapala ang papasok na taong 2006 sa iyo at sa lahat ng iyong mga mahal sa buhay.

Tawagin mo na lang akong Lagring, 40-anyos at may asawa’t tatlong anak. Nagsasama pa rin kami ng mister ko sa iisang bubong pero ito’y alang-alang na lang sa aming mga anak. Ayaw namin kasing lumaki sila na kami’y broken family.

Bagamat nasa isang bahay kami, magkahiwalay ang kuwarto naming mag-asawa. Nagsimula ito mahigit isang taon na ang nakalilipas at ito’y kasalanan ko. Naging marupok ako. Minsa’y aksidenteng nagkita kami sa isang mall ng aking dating boyfriend at natukso kami pareho na buhayin ang aming dating pagmamahalan.

Nangyari ang aming lihim na pagtatagpo ng tatlong ulit. Sa ikatlong ulit ay nabisto kami ng asawa ko habang pumapasok sa isang motel ang aming sinasakyang kotse na minamaneho ng dati kong boyfriend. Maka-Diyos ang asawa ko at kinompronta lang ako pero hindi sinaktan. Lalo akong humanga sa kanya nang sabihing hindi niya ako hihiwalayan alang-alang sa mga bata.

Mahal ko ang asawa ko at labis kong pinagsisihan ang lahat. Ang ibig ko’y lubos akong patawarin ng asawa ko at maibalik sa dati ang aming pagmamahalan. Ano ang dapat kong gawin?

Lagring


Dear Lagring,


Kahangahanga ang asawa mo. Panahon lang ang makapagsasabi kung manunumbalik sa dati ang inyong relasyon at iyan ay depende sa maipakikita mong pagbabago sa kanya.

Kahit hiwalay kayo ng tulugan at malamig ang pagtrato niya sa iyo, gawin mo ang tungkulin ng isang ulirang asawa gaya nang paghahanda ng kanyang mga pangangailangan, pag-aalaga sa mga bata at pag-aasikaso ng inyong tahanan. Patunayan mong taos ang pagsisisi mo sa iyong nagawang mabigat na sala.

Hindi ko ginagarantiyahang manunumbalik ang dating init ng kanyang pag-ibig pero wika nga, no harm in trying.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

ASAWA

AYAW

BAGAMAT

DEAR LAGRING

DR. LOVE

ISANG

KAHANGAHANGA

LAGRING

MALIGAYANG PASKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with