^

Dr. Love

Masamang bangungot

-
Dear Dr. Love,

Mapayapang araw ang aking pagbati sa inyo at sa buong staff ng malaganap ninyong column. Dalangin ko po na sana ay nasa mabuti kayong kalagayan at malakas na pangangatawan.

Isa po ako sa masusugid na tagasubaybay ng inyong pitak sa PSN. Ang inyong pitak ang nagbibigay inspirasyon sa akin at nagbibigay ng lakas ng loob upang magkaroon ng pag-asa na makakita ako ng mga kaibigan sa panulat.

Nahihiya po ako sa inyo dahil panay taga-Muntinlupa, Camp Sampaguita ang humihingi ng tulong at payo ninyo.

Ngunit patuloy na umaasa po ang inyong lingkod na hindi kayo magsasawa sa pagtulong sa amin.

Lito po ang itawag ninyo sa akin, 29 years-old, hiwalay sa asawa kaya walang dumadalaw sa akin.

Ang akin pong kabataan ay puno ng magagandang alaala, puno ng saya at tagumpay dahil sa pagmamahal at suporta ng aking mga magulang at mga mahal sa buhay. Ngunit bahagi na ata ng buhay ang masasamang bangungot.

Nagsimula po ito nang ako ay matutong bumarkada at maging suwail sa magulang.

Naging suwail ako sa kanila dahil sinunod ko ang puso dahil sa pag-ibig. Mas inuna ko pa po ang mag-asawa kaysa magtapos ng kolehiyo.

Pero sa kabila ng pag-aasawa nang wala sa panahon, hindi ko pa rin naitakwil ang barkada.

Hanggang sa isang araw, namulat na lang ang aking mga mata ng nasa bilangguan na ako dahil sa pagtatanggol sa isang kaibigan.

Nasangkot ang kaibigan ko sa away dahil sa selos. Sa pag-awat ko sa kanilang laban, naagaw ko ang balisong na iuunday sana sa kaibigan ko pero naagaw ko ito at hindi ko sinasadyang naisaksak ko ito sa lalaking kaaway ng kaibigan ko.

Naging kritikal siya pero nakaligtas sa kamatayan kaya’t ako ay nakasuhan ng frustrated homicide.

Ito ang naging daan para ako makulong. Ang masakit na masakit sa akin, ni hindi ako dinalaw ng kaibigan kong ipinagtanggol. Iniwan na rin ako ng aking asawa.

Ano kaya ang dapat kong gawin? Pagpayuhan po ninyo ako.

Gumagalang,
Manuelito Manalo

Dorm 226, MSC,
Camp Sampaguita
Muntinlupa City, 1776


Dear Lito,


Talagang laging nasa huli ang pagsisisi. Pero magsisi ka man, nandiyan ka na sa loob at nakakulong. Hindi na maibabalik pa ang naganap na insidente.

Pero sana’y matutuhan mo na ang aral na nakuha mo sa karanasan mo sa sobrang pakikipagkaibigan.

Dahil sa barkada, sinuway mo ang mga pangaral ng iyong ina. Dahil sa barkada, kahit may asawa ka na ay napabayaan mo ang tungkulin mo bilang kabiyak.

Sana sa paglaya mo, matutuhan mo nang iwasan ang masamang barkada.

Ikaw na nagtanggol sa kaibigan, ni hindi ka nadalaw sa kulungan.

Iyan ang isang bangungot ng buhay.

Pero alam kong nakatimo na ang aral na ito sa puso at isipan.

Siguro paglaya mo, matuto kang humingi ng tawad sa mga magulang mo at sa iyong asawa.

Kahit hindi ka nila patawarin, lalaya at gagaan ang pakiramdam mo dahil natanto nilang nagbago ka na.

Good luck to you at sana makatagpo ka ng mga tapat na kaibigan na hindi maglulubog sa kumunoy ng kalungkutan.

Dr. Love

AKO

CAMP SAMPAGUITA

DAHIL

DEAR LITO

DR. LOVE

KAIBIGAN

MANUELITO MANALO

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with