Biyudo ibig mag-asawa
November 30, 2005 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Vivencio, 59-anyos at isang biyudo. Lahat ng mga anak ko ay may sari-sarili nang pamilya at matagumpay naman sila sa kanilang buhay.
Akoy isang negosyante. Mayroon akong munting hardware at ang kinikita ko na namay higit sa sapat. Komportable ang buhay ko at tanging isang houseboy at housemaid ang kasama ko sa bahay.
May kasintahan ako. Tawagin mo na lang siyang Vida, 23-anyos. Malaki ang agwat namin sa edad at ayaw siya ng aking mga anak. Baka raw yaman ko lang ang gusto ni Vida.
Pero hindi ako naniniwala. Alam kong mahal ako ni Vida at hindi lang ang aking ari-arian ang hangad niya. Napakabait niya at maalalahanin. Kapag nagkakasakit akoy inaaruga niya ako nang husto. Balak na naming magpakasal pero ayaw ng mga anak ko dahil napakalayo ng aming agwat sa edad.
Ayaw ko namang kumuha ng matandang tulad ko. Baka pag pareho na kaming uugud-ugod ay maging problema namin ang isat isa.
Ano ang dapat kong gawin?
Vivencio
Dear Vivencio,
Matanda ka na para malaman ang tama o mali. Ikaw ang dapat magdesisyon sa iyong buhay at hindi ang iyong mga anak. Baka na-iinsecure lang ang iyong mga anak dahil magkakaroon sila ng kahati sa iyong pagmamahal at sa iyong ari-arian kapag dumating ang araw na mamaalam ka na sa daigdig.
Sundin mo ang gusto mo. Afterall, ikaw ang higit na nakakakilala sa iyong kasintahan. Kung nasa palad niya ang iyong kaligayahan, go for it.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended