Nawawalan na ng pag-asa
November 17, 2005 | 12:00am
Dear Dr. Love,
May the blessings of our Lord with you always!
Ako po ay kabilang sa libu-libong tagasubaybay ng inyong sikat na column at mambabasa ng malaganap ninyong pahayagang PSN.
Isa rin po ako sa libu-lbong bilanggo na nakapiit ngayon dito sa Muntinlupa sa salang pagpatay na hindi ko naman kagagawan. Nadamay lang po ako sa pangyayari.
Ganito po iyon, nagkakatuwaan kaming magkakabarkada sa isang inuman nang biglang magkaroon ng pagtatalo ang dalawa kong kaibigan. Umawat lang po ako. Subalit nagulat na lang ako nang bigla akong damputin ng mga pulis. Hanggang ako ang nahatulang mabilanggo. Mula noon ay naging masalimuot na ang aking buhay. Habang ako ay nakapiit at pinagsisilbihan ang sentensiya, may nakilala akong isang babae sa pamamagitan ng aking kaibigan. Madalas niya akong bisitahin. Masaya kami hanggang sa magkagaanan kami ng loob sa isat isa na nauwi sa pag-iibigan. Minahal ko ang aking nobya nang higit sa aking buhay. Makalipas ang ilang taon ay naging mahusay naman ang aming pagsasama. Pero biglaang nagkaroon ito ng pagbabago. Nabalitaan ko na lang na ikakasal na pala siya sa dati niyang kasintahan.
Masakit para sa isang tulad ko ang nangyari. Binalak ko na sanang wakasan ang aking buhay pero nanaig pa rin ang takot ko sa Panginoon. Hanggang ngayon, magulo pa rin ang takbo ng buhay ko lalo na kung naaalala ko ang naganap sa buhay ko. Ano po ba ang nararapat kong gawin? Parang nawalan na ako ng pag-asa sa buhay at natatakot na akong umibig na muli. Mayroon pa kayang ibang babae na mag-uukol sa akin ng tapat na pag-ibig dahil isa akong bilanggo?
Sana po ay matulungan ninyo ako na makahanap ng isang tunay at totoong kaibigan sa pamamagitan ng panulat, isang kaibigan na handang umunawa at matanggap ako bilang ako. Sa ngayon, nag-aaral po ako sa loob ng kursong bokasyonal.
Maraming salamat po at hangad ko ang patuloy na pagpapala sa inyo ng Panginoon.
William Cabuhat
1-C Student Dorm,
Camp Sampaguita,
Muntinlupa City 1776
Dear William,
Masagana ring pagbati sa iyo!
Sana, huwag kang mawawalan ng tiwala at pag-asa sa buhay.
Anuman ang masaklap na nangyari sa iyo, hindi naman nangangahulugan ito na tuluy-tuloy na ang kawalan mo ng suwerte sa buhay.
Malay mo, isa lang pagsubok sa iyo ang masaklap na bahaging ito ng buhay mo. Huwag kang mawawalan ng tiwala sa sarili mong kakayahan.
Mabuti naman at nagsisikap kang mag-aral diyan sa loob dahil anuman ang matutuhan mo diyang kabutihan at kaalaman, mababaon mo iyan sa paglaya mo at pagbabalik sa lipunan.
Huwag kang makakalimot na manalangin at lalung-lalo nang huwag mo nang tatangkain pang wakasan na ang buhay mo.
Kung umiiyak ka ngayon sa mga nangyaring mapait na karanasan mo sa buhay, huwag mong kalimutang may tinatanaw kang magandang bukas.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended