^

Dr. Love

Man hater

-
Dear Dr. Love,

Sumulat ako sa iyo upang ihingi ng payo ang aking problema. Tawagin mo na lamang akong Digna, 40-anyos at wala pang asawa. Maganda ako at maraming manliligaw sa kabila ng edad kong ito. Pero ang tingin ko sa mga lalaki ay pare-parehong mapagsamantala.

Dalawang beses akong dumanas ng kabiguan sa pag-ibig. Sa una kong boyfriend, ibinigay ko ang lahat-lahat pati na ang aking pagkababae dahil mahal na mahal ko siya. Pero matapos ito, iniwan na lamang niya ako at sukat.

Sa pangalawa kong boyfriend ay ganyan din ang nangyari. Matapos kong maisuko ang aking pagkababae ay nag-asawa ng iba. Ang katuwiran niya’y napikot siya.

Para sa akin, isa lang ang gusto ng mga lalaki. Ang aking katawan na matapos pagpasasaan ay iiwan na lamang. Diyan nabuo ang aking galit sa mga lalaki.

Ngayon ay mayroon akong manliligaw na isang biyudo. Simpatiko at sa pakiramdam ko’y attracted ako sa kanya. Pero natatakot ako na baka maulit ang aking masaklap na karanasan sa mga lalaking nagsamantala lang sa akin.

Ano ang gagawin ko?

Digna


Dear Digna,


Kaya ka pala iniiwanan ng lalaki ay dahil masyado kang bigay-hilig. Kung hindi mo isinuko kanino man ang iyong pagkababae, mas mataas ang naging paggalang sa iyo ng iyong mga naging kasintahan. Ang pagkadalaga ay isinusuko lamang matapos ang kasal sa lalaking tunay mong minamahal.

Tawagin mo akong makaluma pero iyan ay isang universal truth. Ang lalaking nakapangasawa ng isang birhen ay parang nakapulot ng isang mamahaling hiyas.

Huwag kang matakot umibig muli. Pero ingatan mong huwag maipagkaloob outside of marriage ang iyong pagkababae sapagkat magiging mumurahin ang tingin sa iyo ng iyong kasintahan.

Makabubuti ring ipagtapat mo sa iyong manliligaw na napupusuan ang iyong masaklap na karanasan at kung mahal ka niya, tiyak kong ika’y kanyang mauunawaan.

Dr. Love

AKING

ANO

DALAWANG

DEAR DIGNA

DIGNA

DIYAN

DR. LOVE

HUWAG

PERO

TAWAGIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with