^

Dr. Love

Ipinagkasundo ng mga magulang

-
Dear Dr. Love,

Sa kultura nating mga Pilipino, obligado tayong sumunod sa gusto ng ating mga magulang. Itinuturing na ang pagsuway sa magulang ay paglapastangan sa kanila.

Sa kaisipang ito iinog ang aking problemang gusto kong ilahad at ihingi ng payo sa iyo Dr. Love. Tawagin mo na lang akong Liz, 25-anyos at nakatakdang ikasal sa lalaking hindi ko gusto.

Kahit ang lalaking pakakasalan ko ay ayaw akong maging asawa dahil mayroon siyang kasintahan. Pero iyan ang gusto ng aming mga magulang. Sa madaling salita, kami’y ipinagkasundo ng aming mga magulang bago pa man kami ipanganak.

Magkaibigang matalik kasi ang aming mga ama at nagkasundo na kung sila’y magkakaanak ng babae at lalaki, ipakakasal ang mga ito pagdating ng araw.

Kapwa na namin kinausap ang aming mga magulang pero parehong nagbanta na itatakwil kami kung lalabag kami sa kanilang gusto.

Ano’ng dapat naming gawin? Umaasa ako sa payo mo Dr. Love.

Liz


Dear Liz,


Totoong dapat tayong sumunod sa ating mga magulang. Pero may limitasyon ang pagsunod. Kapag masama o kasalanan ang ibig nilang ipagawa sa atin o mga bagay na may kinalaman sa ating sariling kinabukasan, puwede tayong lumabag.

Kausapin mo nang mahinahon ang iyong mga magulang at ipaliwanag ang iyong sitwasyon. Na kaligayahan mo ang nakataya at malamang masira lang balang araw ang pagsasama ng lalaking ibig nilang mapangasawa mo dahil wala kayong pag-ibig sa isa’t isa.

Ganyan din ang dapat gawin ng lalaking pinipilit ng kanyang mga magulang na magpakasal sa iyo. Pumayag man sila o hindi sa gusto ninyo, wala na silang pakialam na manghimasok sa sarili ninyong desisyon. Itakwil man kayo, nasa tamang gulang na kayo kapwa para itaguyod ang sarili.

Dr. Love

ANO

DEAR LIZ

DR. LOVE

GANYAN

GUSTO

ITAKWIL

LIZ

MAGULANG

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with