^

Dr. Love

Patatawarin ko ba siya?

-
Dear Dr. Love,

Dumadalangin akong datnan ka ng sulat kong ito na nasa mabuting kalusugan. Tawagin mo na lang akong Edgar, 35-anyos at isang negosyante. Hindi ko na idedetalye ang buhay ko sa iyo para maikubli ang tunay kong pagkatao. Nakakahiya kasi ang aking masaklap na karanasan.

Limang taon na akong kasal sa babaeng inakala kong tapat at uliran. Ni sa hinagap ay hindi ko inakalang magagawa niya sa akin na magtaksil. Mahal na mahal ko siya Dr. Love.

Nalaman ko ang kanyang kataksilan mula na rin sa kanyang mga labi. Sinikreto niya ako isang gabi at umiiyak na umamin sa kanyang kataksilan. Humingi rin siya ng tawad sa akin.

Sabi niya, hindi niya maatim sa kanyang budhi na ilihim ang kanyang pangangalunya sa dati niyang kasintahan. Minsan lang daw nangyari ito nang sila’y aksidenteng magkita sa isang mall habang nagsi-shopping.

Madalas kasi akong out of town. Kung minsan, isang buwan akong nasa Japan o kaya’y sa Amerika dahil sa nature ng aking negosyo.

Nadala lamang daw siya ng pangungulila sa akin. Nangako siyang hindi na uulit pero nakatanim sa puso ko ang galit. Dapat ko ba siyang patawarin?

Edgar


Dear Edgar,


Lahat ng tao ay nagkakasala. Kung nagsisisi at humihingi ng tawad, bakit naman ipagkakait mo iyan? Sabi nga "to err is human, to forgive is divine."

Hanga ako sa iyong asawa dahil siya mismo ang nagtapat sa iyo. Palatandaan iyan na tapat siya sa kanyang pagsisisi. Bigyan mo pa siya ng isang pagkakataon.

Marahil, isa ring aral sa iyo iyan. Hindi mabuti sa mag-asawa ang nagkakalayo nang matagal. Tandaan mo, pamilya ang mas prayoridad kaysa trabaho o negosyo.

Dr. Love

AMERIKA

BIGYAN

DAPAT

DEAR EDGAR

DR. LOVE

DUMADALANGIN

HANGA

HUMINGI

KANYANG

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with