Multo ng nakaraan
October 12, 2005 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Sumulat ako sa iyo dahil sa mabigat kong problema. Ikubli mo na lang ako sa pangalang Marie, 30-anyos, may asawa at isang anak. Kung pamilya ang pag-uusapan, maligaya ako at walang problema. Napaka-uliran ng aking asawa at ang aming anak ay napapalaki namin nang matuwid.
Pitong taon na kaming kasal ng asawa ko ngunit may isang lihim siyang hindi nalalaman tungkol sa akin. Hindi na ako birhen. Pero hindi siya naghinala dahil sa unang gabi ng aming pagtatalik ay nagdugo pa rin ako ng bahagya tulad ng isang dalaga sa unang pagkakataong makipagtalik.
Minsan na akong nagkaroon ng karanasan pero itoy labag sa aking kagustuhan. Akoy biktima ng panghahalay. At ang gumawa ng katampalasanan sa akin ay sarili kong ama. Minsan lang nangyari iyon, Dr. Love at walang nakaalam kahit sarili kong ina. Tatlong taon nang patay ang aking ama. Inatake siya sa puso. Imbes na malungkot, para akong nabunutan ng tinik dahil tuluyan nang malilibing sa puntod ng tatay ko ang lihim na iyon.
Sa kabila nito, madalas akong binabagabag ng aking konsiyensya. Damdam koy hindi ako nagiging tapat sa aking asawa na napakabuting tao. Anong gagawin ko?
Marie
Dear Marie,
Kung minsan, may mga lihim na mas makabubuting panatilihing lihim lalo na kung itoy para sa kapakanan ng isang pagsasama.
Tutal wala ka namang kasalanan sa mga nangyari. Ang ama mo ang nagkasala nang halayin ka niya. Kaya walang dapat ikabagabag ang iyong budhi dahil malinis ito. Kailanman ay hindi mo dinaya ang iyong asawa. Ibang kaso kung nagkaroon ka ng previous relations sa ibang lalaki na kusa among pinagsanglaan ng iyong pagkababae. Iyan ay isang bagay na sadyang kailangang ipagtapat sa iyong kasintahan bago kayo magpakasal.
Ngunit kung ibig mo itong ipagtapat para sa ikaluluwag ng iyong budhi, puwede rin. Kaya lang baka hindi ito matanggap ng iyong asawa at magkaroon ng batik o lamat ang inyong relasyon.
Kung ako ikaw, mas mabuting panatilihing lihim ang iyong masaklap na karanasan. Ang kasalanan ay pagsisinungaling ngunit hindi ang pagtatago ng lihim.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended