Pahiram na ligaya
October 4, 2005 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa pong masaganang pangungumusta sa inyo at sa iba pa ninyong mga kasamahan sa PSN.
Tawagin na lang po ninyo akong Erwin, nakapiit sa kasalukuyan sa Pambansang Bilangguan.
Bago po ako nasadlak dito sa madilim na kulungan, nagkaroon po ako ng girlfriend. Pero mahigpit ang pag-ayaw sa akin ng kanyang mga magulang.
Dahil wala akong alam na ibang paraan para kami ay magkasama ng aking girlfriend, nagpasya po kaming dalawa na magtanan.
Umabot ang aming hiram na pagsasama ng walong buwan. Naputol ito nang dumating sa aming tirahan ang kanyang kapatid na lalaki at binaril ako. Idinepensa ko naman ang sarili ko at sinikap kong maagaw ang hawak niyang sandata. Nang maagaw ko ito sa kanya, sa hindi sinasadyang pangyayari ay naiputok ko ito. Ito ang dahilan kung bakit ako ay nakakulong ngayon.
Dr. Love, ang suliranin ko naman ngayon ay ang impormasyong nakarating sa akin na nag-asawa na raw ang aking girlfriend na naging live-in partner ko. Dahil sa pangyayaring ito sa buhay ko, pati mga magulang ko, itinakwil na ako. Labis po akong nahihirapan ngayon dahil kahit isang kaibigan ay walang dumadalaw sa akin.
Ito po ang dahilan kung bakit ako lumiham sa inyo. Nais kong magkaroon ng mga kaibigan sa panulat para mabuhay ang aking pag-asa sa buhay.
Kayo lang po ang inaasahan kong makakatulong sa akin sa masaklap kong dinaranas ngayon.
Hangad ko po ang daglian ninyong katugunan sa liham na ito at ngayon pa man ay nagpapasalamat na ako sa tulong ninyo.
Francis Erwin, 28 years-old
Runner Dorm 237,
Bldg. 2, Camp Sampaguita,
Muntinlupa City 1776
Dear Erwin,
Pahiram na ligaya ang dinanas mo sa piling ng iyong nobya. Kapalit nito, mahabang panahong pagdurusa. Hindi ko gustong sisihin ka sa nangyari.
Pero nangyari na iyan kaya sa susunod, huwag mo nang initan ang ulo mo at bago ka gumawa ng anumang hakbang, pakaisipin mong mabuti ang gagawin mo.
Dumating ang kapatid ng nobya mo sa inyong tirahan pagkaraan ng walong buwan ninyong pagsasama. Maaaring ang isip nila ay nakaisa ka dahil hindi mo pa pinakakasalan ang nobya mo. Sana, matapos kayong magtanan, nagpadala ka ng emisaryo sa mga magulang ng nobya mo para huwag naman silang tuluyang magalit sa inyo. Tinikis mo ba ang mga magiging biyenan mo kaya wala kang ginawang hakbang?
Alam kong pinagsisihan mo na ang insidenteng ito na naghatid sa iyo sa kulungan. Sana, patuloy mo pang idalangin na maging tuluy-tuloy na ang iyong rehabilitasyon sa loob.
Huwag kang mawawalan ng pag-asa sa buhay. Kung anuman ang kasalanang nagawa mo, hugasan mo ito sa panalangin at makatotohanang pagbabagong-buhay.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended