Binigyan ako ng karunungan ng Panginoong Jesus para malutas ang suliranin ko Kuya Romy
October 3, 2005 | 12:00am
Matagal-tagal na rin akong nagtatrabaho sa isang pampasaherong barko bilang crew chef sa Florida, USA. Ito ang ikinabubuhay ng pamilya ko na naninirahan sa ating bansa.
Taon- taon, akoy nagbabakasyon sa aking pamilya at sila rin ay aking dinadala sa Florida tuwing akoy babalik doon upang magtrabaho.
Kamakailan lamang ay ipinadala ako ng aming kompanya sa France bilang advance party sa aming barko na tutungo sa ibat ibang bansa sa Europa bago ito bumalik ng Florida.
Bago ako lumipad patungong France, sinabi ko na sa aking amo na kailangang ma-renew nila ang aking pasaporte dahil itoy paso na at baka akoy hulihin pagdating ko roon. Sagot naman ng boss ko ay siya na ang bahala basta pumunta na lamang ako sa France.
Dahil boss, sinunod ko siya. Hindi ako nagkamali dahil paglapag ko pa lang sa airport ng France ay hinarang agad ako ng airport police nang makita nila na ang pasaporte ko ay paso na.
Dinala nila agad ako sa kanilang piitan at doon nag-umpisa ang aking kalbaryo dahil ang mga pulis ay hindi marunong mag-English at ang tingin nila sa akin ay napakababang tao dahil sa kulay at taas ko. Walang sabi-sabing kinuha nila ang dala-dala kong maleta at iba kong mga gamit kung saan nakalagay ang telephone at address ng aming opisina at ng boss ko.
Mabuti na lamang hindi nila kinuha ang dala-dala kong laptap dahil may nai-save akong address ng amo ko rito.
Nanalangin ako sa Panginoong Jesus na iligtas Niya ako sa aking kalagayan at bigyan Niya ako ng karunungan kung ano ang mga dapat kong gawin para akoy makauwi agad sa pinanggalingan ko.
Inabot ako ng isang araw sa piitan dahil sa interogasyon sa akin at kahit anong paliwanag ko sa kanila ay ayaw nilang maniwala kasi paso nga ang aking pasaporte. Naghihintay din ang mga pulis ng lagay pero hindi ko sila binigyan dahil labag ito sa Diyos at wala naman talaga akong kasalanan maliban lamang sa aking pasaporte na paso na.
Hindi ako nawalan ng loob kahit minamaliit nila ako. Mabuti na lamang kahit mangmang sila sa English ay nakakaunawa sila sa senyas ko.
Akoy humingi ng pahintulot na maka-plug in ang saksakan ng laptap ko para mabuksan ko ito at mahanap ko ang telepono ng boss ko para siyay matawagan ko. Pumayag naman sila at binuksan ko agad ang aking laptap at nakuha ko ang telepono ng amo ko.
Tinawagan ko agad siya sa telepono at nagkausap kami at sinabi ko ang lahat ng nangyari. Sabi ng boss ko ay padadalhan agad ako ng panibagong pasaporte at tiket para makabalik agad ako ng Florida.
Nang dumating ang bagong pasaporte at ticket ko, nakita ng mga pulis ng France na hindi ako nagsisinungaling. Pinatawad ko sila pero naging tatak sa aking puso ang karanasan kong ito. Hindi na talaga ako pupunta sa ibang bansa na hindi ayos ang pasaporte at visa dahil tiyak na sa kulungan ang punta. Mabuti na lamang at napakabait ng Panginoong Jesu-Cristo na hindi ako pinabayaan sa hirap na dinanas ko. Purihin at Sambahin Siya.
Kuya Romy Buena
(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998, at Mandaluyong, 533-5171.)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended