Babaeng tapat, hanap ni Benjie
August 26, 2005 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa po akong bilanggo at kabilang sa masugid ninyong mambabasa. Laki po akong Mindanao at mula sa isang mahirap na pamilya.
Nasadlak po ako dito sa bilangguan sa isang pagkakasalang hindi ko ginusto at binalak. Pero ang babaeng ipinagtanggol ko sa mga taong umatake sa amin ay wala na. Nag-asawa na siya sa ibang lalaki at mayroon nang isang anak.
Malimit siyang sumulat sa akin at ipinaliliwanag na ako ang kanyang tunay na mahal. Ang lalaki raw na kanyang pinakasalanan ay hindi niya mahal at sumunod lang siya sa gusto ng kanyang mga magulang.
Naganap ang insidente isang gabi matapos kaming mag-swimming ng nobya ko. Pauwi na kami noon at ihahatid ko na siya nang salubungin kami ng isang grupo ng mga addict sa aming lugar. Ginulpi nila ako. Palalampasin ko na sana ito kung hindi nila sinaktan pati ang girlfriend ko. Nanlaban na ako hanggang sa mapatay ko ang isa sa kanila.
Ito ngayon ang pinagdurusahan ko. Pero ang masakit nito, ang babaeng minahal ko at idinepensa noon ay hindi nakapaghintay sa akin.
Noon pong nasa laya pa ako bago naganap ang masakit na pangyayaring ito, masama na rin ang loob ko dahil nagkahiwalay ang aking mga magulang. Lumuwas ang aking ina sa Maynila kasama ang aking mga kapatid.
Bilang panganay na anak, napilitan akong huminto ng pag-aaral dahil sa hirap ng buhay. Grade 4 lang ang aking naabot. Nang hinihiling ko sa aking ama na papag-aralin ako, sinabi niyang tama na ang marunong akong bumasa at sumulat.
Bumalik din naman sa Mindanao ang aking ina at mga kapatid. Maligaya ako pero masama ang aking loob sa aking ama dahil hindi tulad ng aking mga kapatid, hindi ako nakapagpatuloy ng pag-aaral.
Sana po, matulungan ninyo akong magkaroon ng mga kaibigan sa panulat. Malapit na po akong lumaya at sana, makatagpo ako ng isang babaeng tapat na magmamahal sa akin.
Maraming salamat po.
Benjie Yama
Student Dorm-232,
MSC, Camp Sampaguita,
Muntinlupa City 1776
Dear Benjie,
Inaasahan naming sa paglalathala ng liham mong ito ay maraming magkakainteres na makipagkaibigan sa iyo sa pamamagitan ng panulat.
Huwag mo nang masyadong ipagdamdam ang pagpapakasal sa iba ng iyong nobya. Maaaring tulad mo, siya man ay nagdurusa dahil nakapag-asawa siya sa iba na hindi naman niya mahal.
Gayunman, hindi na siya malaya at mayroon nang anak. Kaya kalimutan mo na lang siya. Makakatagpo ka ng iba na tatanggap sa iyo bilang ikaw anuman ang iyong nakaraan.
Natutuwa kami na malapit ka nang lumaya. Sana ang mga natutuhan mo sa loob ay magsilbing gabay mo sa muling pamumuhay kasama ang iba pang mga miyembro ng lipunan.
Huwag mo na ring masyadong ikagalit ang hindi mo pagkapagpatuloy sa pag-aaral dahil ikaw na mismo ang maysabi na mahirap kayo at walang kakayahan ang mga magulang ninyo na maigapang ang pag-aaral ninyong lahat.
Maaaring ang iyong ama ay nagdurusa rin sa hindi niya pagbibigay sa iyo na makapag-aral tulad ng iba mong kapatid.
Good luck to you and God bless you.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended