Kabibiyuda lang, ibig nang mag-asawa

Dear Dr. Love,

A pleasant day to you. Sana ay abutan ka ng sulat ko na nasa mabuting kalagayan. Just call be Martha, 35 years-old at isang biyuda.

Anim na buwan nang patay ang aking asawa dahil sa cancer sa atay. Malakas kasi siyang uminom. Hindi ko masyadong dinamdam ang kamatayan niya dahil hindi ko naman siya mahal. Naikasal kami dahil sa kasunduan ng aming mga magulang. Wala kaming anak.

Sa ngayon, nagkabalikan kami ng aking dating boyfriend. Mahal na mahal ko siya noon pa pero tutol ang aking mga magulang dahil ang gusto nila para sa akin ay ang namayapa kong asawa.

Gusto na naming magpakasal pero inaalala ko ang sasabihin ng ibang tao lalo na ng aming mga kapitbahay dahil hindi pa natatapos ang pagluluksa ay mag-aasawa uli ako.

Dapat ko bang isipin ang sasabihin ng iba o sundin ang gusto ng aking puso?

Martha


Dear Martha,


Kung batas ang pag-uusapan walang masama kung mag-aasawa ang isang balo ano mang oras na gusto niya. Kaya lang, hindi ba kayo puwedeng maghintay ng anim na buwan pa o hanggang makapagbabang-luksa?

Importante rin ang sasabihin ng mga tao. Bababa ang respeto sa iyo ng mga taong nakapaligid sa iyo dahil ang gagawin mo’y labag sa kultura.

Hindi naman siguro napakatagal na panahon ang kalahating taon kaya bakit hindi kayo maghintay?

Dr. Love

Show comments