Dahil sa illegal na recruiter
August 7, 2005 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa pong magandang araw sa inyo sampu ng iba pa ninyong mga kasamahan sa pasulatan ng PSN.
Lumiham po ako sa inyo para maibahagi ko ang masaklap na karanasan ko sa buhay na naging daan kung bakit narito ako ngayon sa kulungan.
Ang isa pang dahilan ay para magkaroon ako ng mga kaibigan sa panulat para mawala ang aking kalungkutan dito sa loob at mabuhay uli ang pag-asa sa buhay.
Maaga po akong naulila sa aking mga magulang. Solong anak po ako. Dahil dito, kinuha po ako ng aking tiyahin, kapatid ng aking Tatay.
Mabait naman po siya at ako ay kanyang pinapag-aral. Ang problema ko lang ay ang aking tiyuhin. Malupit po siya at madalas niya akong sinasaktan lalo na kung nakainom.
Ito ang dahilan kung bakit noong ako ay nasa high school na, naglayas po ako sa bahay ng tiyahin ko.
Maaga akong namulat sa hirap. Nagtrabaho ako at nagpatuloy ng pag-aaral. Umiwas po ako sa mga barkada para mabuhay nang maayos.
Nagkaroon po ako ng nobya at dahil dito lalo na akong nagsikap sa trabaho at pag-aaral para sa aming kinabukasan.
Nag-ipon po ako ng pera dahil gusto kong magtrabaho sa abroad. Nang makaipon ng malaki-laki ring halaga, lumapit ako sa isang agency na nangangalap ng trabaho sa ibang bansa. Pero nagkaroon ng problema at niloko lang nila ako.
Dahil sa hindi ko napigilan ang aking sarili, napatay ko po ang illegal recruiter na nakabiktima sa akin.
Matagal-tagal na rin po ako dito sa loob at ang nobya ko naman ay nawala na at nabalitaan kong nag-asawa na pala.
Sana po, mabigyang-pansin ninyo ang sulat ko na ito at more power to you.
Gumagalang,
Jerome Sto. Domingo
Dorm 5-A Building 5,
Camp Sampaguita,
Muntinlupa City 1776
Dear Jerome,
Salamat sa liham mo. Sana rin ay maabot ka ng isyu ng PSN na nasa mabuti kang kalagayan.
Talikdan mo na sana ang init ng ulo na siyang naghatid sa iyo sa masaklap na kalagayan.
Nauunawaan namin ang damdamin mo sa nangyari sa buhay mo.
Pero ang payo sa iyo ni Dr. Love, lagi mong pairalin ang kahinahunan at huwag mong ilagay sa mga kamay mo ang katarungan.
Para naman sa girlfriend mo na hindi nakapagtiyaga ng paghihintay sa iyo, idalangin mo na lang na sana, maligaya siya sa buhay niya.
Nasa pagpapatawad ang kapayapaan ng kalooban at higit kang pagpapalain ng Maykapal kung mababa ang kalooban.
Hangad namin ang maaga mong paglaya sa pamamagitan ng pagpapairal ng kabutihan sa loob at pananatili ng kahinahunan sa tuwina.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am