Dahil siyay pangit
August 5, 2005 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Maraming salamat sa pag-uukol mo ng pansin sa sulat ko, Dr. Love. Tawagin mo na lang akong Mercy, 27-anyos.
Magmula nang akoy magdalaga, wala akong naging manliligaw. Hindi ako nagtataka dahil tanggap ko nang akoy kapos sa kagandahan. Maitim na ang kutis ko, pandak pa. Pero maipagmamalaki kong akoy matalino. Nakapagtapos ako ng kolehiyo sa kursong Accounting at isa ako sa mga pinakamatalino nang akoy estudyante pa.
Ngayoy nagtatrabaho ako sa isang banko. Nagulat na lang ako nang for the first time in my life, nagkaroon ako ng manliligaw. Siyempre, parang lumundag ang puso ko sa tuwa. He is a regular guy at may maganda rin namang trabaho sa isang credit firm.
Naging magkaibigan kami dahil regular kaming nagkikita sa transaksyon sa banko. Nang mag-propose siya sa akin ay hindi ako makapaniwala. Bakit siya papatol sa isang kulang sa sukat at kulang sa ganda gayung marami naman siyang puwedeng ligawan na magagandang babae?
Natatakot tuloy akong sagutin siya dahil baka pinaglalaruan lang niya ako. Ano ang gagawin ko?
Mercy
Dear Mercy,
Hindi ko sinasabing sunggaban mo agad ang tsansa at baka mawala pa. Ang maipapayo ko sa iyo, ituloy mo ang pakikipagkaibigan sa kanya. Im sure he wont mind kung hindi mo agad ibibigay ang iyong "matamis na oo" dahil gusto mo pa siyang makilala nang mas malalim. Sa ganyang paraan, lalong tataas ang respeto sa iyo ng iyong manliligaw kung talagang mahal ka niya.
Huwag kang magduda sa kakayahan mong makaakit ng manliligaw. Maaaring mayroon kang katangian na gusto ng iyong manliligaw kaya sinusuyo ka niya. May mga lalaki rin namang hindi tumitingin sa panlabas na anyo kundi sa panloob na katangian.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended