Mula sa seldang bakal

Dear Dr. Love,

Warm greetings from behind bars.

Isang malaking oportunidad po para sa amin ang mabahagian nitong inyong address sa diyaryo na kung saan ay kinawiwilihan ng lahat. Naengganyo po kaming magpadala ng sulat sa inyo upang magkaroon ng partisipasyon sa malaganap ninyong column na kinagigiliwan ng lahat. Bawat karanasan kasi na inyong binibigyang-pansin at inihahanap ng solusyon ay inyong inilalathala sa inyong serye. Seryeng may hagod sa puso na inihahatid sa inyong mga mambabasa.

Hanay po kami ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas mula sa Philippine Army na kasalukuyang naka-stockade dito sa Davao Prison’s and Penal Farm. Lungkot at pangungulila po ang dala-dala ng puso namin sa araw-araw na pananatili sa likod ng mga rehas kung kaya’t sumulat po kami sa inyo para humingi ng pabor. Sana po ay mailathala ninyo ang aming mga pangalan para makatagpo ng mga bagong kaibigan kahit man lang sa pamamagitan ng panulat.

1. MSGT. Alfred Mapa - 30 years-old

2. TSGT. Roy Bustamante - 31 years-old

3. CPL. Orlando Velasquez - 30 years-old

4. CPL. Bong Padal - 29 years old

Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na kami sa pagpapaunlak ninyo sa aming munting kahilingan.


Sa inyong apat,


Isang masaganang pangungumusta sa inyo at nalulugod ang pitak na ito sa masugid ninyong pagsubaybay.

Inilathala namin ang inyong pangalan sa hangad na makatulong sa inyong pangungulila. Sana, magkaroon kayo ng maraming kaibigan sa panulat.

Hangad din ng pitak na ito ang maaga ninyong paglaya at gayundin sa pagkakaroon ng maayang pananaw sa buhay sa kabila ng inyong dinaranas na kalungkutan.

Sana rin, kung anuman ang kamaliang nagawa ninyo, magkaroon kayo ng reporma sa buhay at maging gabay ito sa patuloy ninyong pagtahak sa buhay.

Sa sinumang nagnanais na makipagkaibigan sa apat na lumiham, ang kanilang address ay Maximum Security Compound, D.P., Dapecol Davao del Norte 8105.

Dr. Love

Show comments