Iniwan ko ang aking asawa
July 23, 2005 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa pong magandang araw sa inyo sampu ng mga bumubuo ng malaganap na PSN.
Isa po akong walang suwerteng babae na nakapangasawa ng isang walang kuwentang lalaki. Dalawa po ang aming anak na kapwa lalaki at mag-isa ko pong itinaguyod ang pagbuhay sa aming pamilya dahil ang kabiyak ko ay walang trabaho.
Isa akong propesyonal. Sa katunayan, kababalik ko lang mula sa pagtatrabaho sa abroad para magbakasyon. At sa pagbabalik ko pong ito, tuluyan nang gumuho ang lahat kong respeto at pagtingin sa aking asawa dahil ang ipinadadala kong pera para sa pag-aaral at pagkain ng aming anak ay nilulustay lang pala ng asawa ko sa sugal at iba pang bisyo.
Masakit po sa akin ang ginawa kong pag-alis sa aming tahanan kasama ang dalawa kong anak. Naghanap po ako ng isang apartment na matitirahan ng aking mga anak kasama ang dalawa kong kapatid. Kasi kung sa tahanan ng aking ina ko dadalhin ang aking mga anak, baka puntahan sila ng aking asawa.
Nakatakda na akong bumalik sa trabaho ko sa abroad sa susunod na buwan at gusto kong hindi makagulo sa aking isip ang kalagayan ng aking mga anak habang ako ay naghahanapbuhay.
Ayaw ko na pong makisama na muli sa aking asawa dahil wala siyang ginagawang pagsisikap para makatulong sa akin. Hindi ko rin gusto na makamulatan ng aking mga anak ang masasama niyang bisyo.
Maging ang dalawa naming anak ay takot sa kanilang ama dahil pinapalo sila kung siya ay lasing at talo sa sugal.
Payuhan po ninyo ako kung ano ang mabuti kong gawin.
Gumagalang,
Teresa
Dear Teresa,
Bagaman ang pitak na ito ay pabor sa patuloy na pagkabuo ng pamilya kung mayroon pang pagkakataong magkabalikan ang mag-asawa, sa pagkakataong ito, ang maipapayo namin ay kumunsulta ka sa isang abogado para maisaayos ang mapayapang pakikipaghiwalay mo sa iyong kabiyak.
Ang problema mo rito ay ang dalawa mong anak na maiiwanan sa pagbabalik mo sa trabaho sa ibang bansa. Hindi mo habang panahong maitatago sila sa kanilang ama sakalit hanapin sila nito.
Gawin mong legal ang pakikipaghiwalay mo kung talagang wala ka nang respeto at amor sa asawa mong batugan.
Sana, maging mahinahon ka sa mga pagpapasiya mo kung anong mabuti sa kasalukuyan mong problema para na rin sa kabutihan ng iyong mga anak.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended