Huli na nang magbalik
July 5, 2005 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Umaasa akong makapupulot ako ng kapakinabangan sa payong maibibigay mo sa akin.
Tawagin mo na lang akong Liza, 25-anyos at may asawa. Mahigit isang taon pa lang kaming kasal ng aking asawa at ipinagbubuntis ko ang una naming anak.
Hindi ko tunay na mahal ang aking asawa. May kasintahan akong mahal na mahal ko. Isang taon kaming magkasintahan nang makipag-break siya sa akin. Nakakita raw siya ng ibang mas mahal niya.
Sa kabila ng sakit na dulot niya sa akin, mahal ko pa rin siya. Ipinagluksa ko ang aming paghihiwalay. Marami ang nagpayong kalimutan ko siya at umibig sa iba pero hindi ko magawa. Hanggang sa dumating sa buhay ko ang mister ko ngayon.
Sa kagustuhan kong lumimot, sinagot ko siya at agad naitakda ang kasal namin. Lumipas ang isang taon at nagkasalubong kami sa isang mall ng aking ex-boyfriend. Mahal ko pa rin siya at hindi ako nakatanggi nang yayain niya akong mag-hotel.
Kahit isang buwan na akong buntis ay sumama ako sa kanya at sa unang pagkakataon ay naging taksil ako sa aking asawa. Hinihimok ako ng dati kong kasintahan na makipaghiwalay sa mister ko at aariin daw niyang kanyang anak ang aking dinadala. Naguguluhan ako.
Tulungan mo ako, Dr. Love.
Liza
Dear Liza,
Malaking kagagahan kung makikipaghiwalay ka sa iyong asawa para samahan ang boyfriend mong salawahan. Yun lang pagsama mo sa kanya sa motel ay foul na.
Ang ano mang sarap na nararamdaman mo sa piling ng iyong boyfriend ay pansamantala lang. Mas malaking problema ang naghihintay kapag itinuloy mo ang iyong kataksilan.
Tapusin mo na ang iyong kalokohan at pag-aralan mong mahalin ang iyong asawa. Kasal na kayo at ang pinagsama ng Diyos ay di dapat papaghiwalayin.
Madaling magpayo. Pero ang pagsunod sa payo ay nasa sa iyo.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended