^

Dr. Love

Mahirap maghintay

-
Dear Dr. Love,

Hi to all the staff of PSN especially to you, Dr. Love. Isa po ako sa masugid na tagasubaybay ng inyong kolum. Lahat po ng sumusulat sa inyo ay nabibigyan ninyo ng magandang payo kaya naman sinubukan kong sumulat para humingi rin ng advice mula sa inyo.

Mayroon po akong crush – si Mr. Virgo. Isa po siyang tricycle boy at sa gabi po siya namamasada. Sa gabi rin po nagbubukas ang tindahan namin kaya lagi ko siyang nakikita. Kapag nakikita niya ako ay kinakawayan niya ako at kung minsan ay binibiro niya ako. Feeling ko ay may gusto siya sa akin.

Minsan ay kinausap siya ng kaibigan ko at tinanong kung may feelings siya sa akin. Sabi niya ay mayroon daw pero hindi pa raw panahon para i-express niya ang feelings niya sa akin. Mayroon pala siyang karelasyon na iba at baka masaktan lang daw ako.

Ano po ang gagawin ko? Iiwasan ko po ba siya at tuluyan ko na siyang kalimutan? Umaasa po ako na mabibigyan ninyo ako ng magandang payo. God bless and take care.

Ms. Pisces


Dear Ms. Pisces,


Mabuti’t "honest" ang crush mo sa pagsasabing hindi pa napapanahon dahil mayroon na siyang girlfriend.

Kung ibang lalaki iyan, sunggab agad kapag nalaman nilang may crush sa kanila ang isang babae kahit may syota o asawa na siya.

I’m sure admiration lang ang iyong nadarama. At kung pag-ibig man iyan, buti pang ibaling mo na lang sa iba na wala pang kumpromiso.

Ngunit kung makipag-break siya sa nobya niya at manligaw sa iyo, ibang usapan iyan. Gayunman, mahirap ang umasa at maghintay.

Kung may iba pang nanliligaw sa iyo, pakasuriin mo ang bawat isa at baka sa kanila’y makita mo ang tunay mong minamahal.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

DR. LOVE

GAYUNMAN

ISA

MAYROON

MR. VIRGO

MS. PISCES

NIYA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with