Gustong gumanti
May 25, 2005 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Thank you for considering my letter for feature on your popular column. Tawagin mo na lang akong Maricris, 30-anyos and married without a child.
Sa unang dalawang taon ng pagsasama namin ng mister kong si Edmond, maligaya kami at labis ang pag-iibigan. Nang tumuntong ang ikatlong taon namin, nagsimula ang aking kalbaryo.
Natutong umuwi ng dis-oras ng gabi si Edmond na kadalasan ay lasing. Tinatanong ko kung anong problema niya pero hindi niya ako sinasagot nang matino.
Bakit, wala na raw ba siyang karapatang mag-dibersyon? Hanggang sa matuklasan kong may babae siya. Nalaman ko ito sa isang dati kong kaklase sa college na kapitbahay ng kanyang babae.
Wala akong alam na pagkukulang sa kanya. Ginagampanan ko nang maayos ang aking obligasyon bilang asawa. Ipinasya kong magtrabaho rin para malimutan ang aking konsumisyon sa kanya. Pumayag naman siya. Pero hindi pa rin siya nagbabago. Tuloy ang pambababae niya at pag-uwi nang lasing.
Sa opisina ay may pumoporma sa akin. Isa siyang junior executive at may asawa rin. Sa ngayon ay hindi ko siya pinapansin. Pero sumasagi sa isip ko na ano kaya kung subukan kong kaliwain ang aking asawa. Ibig kong gumanti. Tama ba ang iniisip ko?
Maricis
Dear Maricris,
Mali ang iniisip mo. Ang mali ay hindi puwedeng ituwid ng isa pang mali. Mag-usap kayong mag-asawa at sikaping ayusin ang inyong problema.
Ang problema ng mag-asaway hindi nalulutas nang walang kibuan.Kailangan ang komunikasyon. Kung sa kabila ng pagsisikap mo ay talagang wala nang pag-asa ang inyong marriage na maisalba, may rason to consider annulment. Marital infidelity ang ginagawa ng iyong asawa, not to mention yung pag-uwi niya ng dis-oras at lasing pa.
Iniisip ko lang, baka ang ipinagkakaganyan niya ay ang hindi ninyo pagkakaroon ng anak kahit ilang taon na kayong kasal. Nasubukan nyo na bang magpasuri sa duktor?
Inuulit ko, huwag mong suklian ng kataksilan ang kataksilan. Try to get to the bottom of the problem at solve it.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am