Propesor na may pagnanasa
May 10, 2005 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa po akong isang ina na ang problema ay hindi ang aking love life kundi ang aking anak na binatilyo na pinagnanasaan ng isang propesor na gay.
Iginagapang ko po ng pag-aaral sa kolehiyo ang aking panganay na anak na lalaki kahit nagsosolo ako at walang asawang katuwang sa pagtataguyod ng pamilya.
Hiwalay po ako sa asawa. Ang panganay kong anak ang kasama ko sa apartment samantalang ang tatlong iba ko pang anak ay nasa probinsiya kasama naman ang kanyang ama at lola.
Bagaman nasa poder ng aking biyenan ang tatlo kong anak, ako pa rin ang tumutustos sa kanilang pag-aaral dahil bukod sa wala nang trabaho ang kanilang ama, kumuha pa ito ng kinakasama at mayroon na silang anak.
Anyway, gaya nang sabi ko, ang suliranin ko ay ang anak kong panganay na tipong ligawin ng kanyang propesor na gay.
Tinatawagan niya ito sa bahay, tinatanong ng mga personal na bagay-bagay at kung minsan, isinasama sa lakad.
Pinangangaralan ko ang aking anak na iwasan na ang kanyang teacher na bading. Pero ang takot ko naman, baka ibagsak niya ang aking anak kung bibiglain ko ang aking approach sa naturang teacher.
Ano po ba ang mabuti kong gawin para maiiwas sa tiyak na problema ang aking panganay?
Kailangan ko po bang kausapin ang kanyang bading na propesor o isumbong ito sa mga opisyal ng paaralan?
Hangad ko po ang patuloy na pamamayagpag ng inyong column at sana ay huwag kayong magsawa sa pagbibigay-payo sa libu-libo ninyong tagahanga.
Sumasainyo,
Rosalie
Dear Rosalie,
Ang hiwatig ko, nagsusumbong sa iyo ang iyong anak hinggil sa kanyang propesor?
Indikasyon ito na hindi naman nagugustuhan ng anak mo ang panliligaw ng kanyang guro.
Hayaan mo munang dumiskarte ang anak mo at tingnan mo kung anong gagawin ng badidat niyang guro.
Saka mo na siya kausapin kung hindi magiging epektibo ang strategy ng anak mo.
Itimo mo rin sa isip ng gay na guro na puwede mo siyang ireklamo sa mga pinuno ng paaralan sa sandaling hindi niya gagawing pantay ang marka ng anak mo at ibabagsak ito kung hindi siya pagbibigyan.
Babagsak ito sa kasong harassment sa sandaling ganito nga ang mangyayari.
Bigyan mo ng kalayaang makadiskarte ng sarili ang anak mo kung paano niya lulusutan ang kumukursunada niyang propesor.
Dr Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended