Naghahanap ng ka-penpal
April 28, 2005 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Kumusta na po kayo? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Hindi na po ako magpapaliguy-ligoy pa. Nais ko po sanang magkaroon ng ka-penpal. Wala po akong girlfriend sa kasalukuyan. Pero noon ay mayroon kaya lang ay hindi siguro talaga kami para sa isat isa. Nagkahiwalay kami at parang nawalan na ako ng ganang magmahal pa. Pero sa pamamagitan ng column mo ay nabuhayan ako ng loob. Ako po ay 27-anyos, may stable job bilang isang auto electrician. May sarili po akong tricycle na pang-hanapbuhay. Ako po ay miyembro ng Iglesia ni Cristo kaya mas maganda sana kung ang magiging ka-penpal ko ay isa ring INC member. Pero kung may susulat sa akin na hindi INC member ay susulatan ko rin sila bilang isang kaibigan.
Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sa paglalathala mo sa aking sulat.
Gumagalang,
Joselito A. Toribio
513 Quezon Ave.,
San Fernando City,
La Union 2500
Dear Joselito,
Hindi ka man humihingi ng payo, bayaan mong magbigay ako ng unsolicited advice.
Okey makipag-penpal. Pero higit na mainam kung ang babaeng pipiliin mong maging katuwang sa buhay ay mahanap mo sa mga nakikilala mo at nakakasalamuha ng personal.
Mahirap makilatis ang pagkatao ninoman sa pamamagitan lang ng sulat.
Anyway, pagbibigyan ko ang iyong hiling.
Inilalathala ko nang buong-buo ang liham mo pati na ang iyong exact address para sa mga interisadong makipagkaibigan sa iyo. Goodluck!
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 28, 2024 - 12:00am