Nilayuan ako ng gf ko
April 26, 2005 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa po ako sa maraming tagasubaybay ng inyong column. Dahil sa kagustuhan kong magkaroon ng maraming kaibigan sa panulat ay naisipan kong sumulat sa inyong malaganap na pahayagan.
Ako po ay si Jesus Abnan na kasalukuyang nakapiit sa Inacawan Sub Colony dahil sa isang pangyayaring kahit sa panaginip ay hindi ko inasahan.
Napunta po ako sa tinatatawag nilang "Libingan ng mga Buhay" dahil sa pagtatanggol ko sa aking girlfriend. Ipinakita ko sa kanyang mahal ko siya at kapag kasama niya ako, hindi siya puwedeng bastusin ninuman. Pero huli na ang lahat nang malaman kong hindi pala dapat na daanin sa init ng ulo ang naturang insidente.
Bata pa lang po ako ay hindi ko na nagisnan ang aking mga magulang. Lumaki po ako sa piling ng mga taong hindi ko lubos na kilala at hindi rin po ako nakapagtapos ng pag-aaral dahil ang mga "magulang" na kumupkop sa akin ay nabibilang sa pamilyang "isang kahig, isang tuka."
Pero hindi naging hadlang ang kahirapan para makaranas ako ng kaligayahan sa buhay. Dahil ito sa isang babaeng nakilala ko na simple at mabait. Naging magkaibigan kami at dahil nga sa kabaitan niya, nahulog ang loob ko sa kanya.
Niligawan ko siya at nakatagpo naman ng katapat na pagmamahal ang damdamin ko para sa kanya.
Noong 1999, buwan ng Enero, masaya po kaming namamasyal sa isang pribadong lugar sa Pasay City nang mayroong humarang na tatlong lalaki sa amin at walang sabi-sabing binastos nila ang girlfriend ko. Lahat po sila ay may dalang balisong.
Hindi ako agad nakakilos sa lugar na kinaroroonan namin. Pero nang magkaroon ako ng pagkakataon, naagawan ko ng balisong ang isa sa tatlo. Pero nasugatan ako sa katawan sa ginawa ko. Kahit puro dugo na ang suot kong damit, pinilit ko pa ring lumaban hanggang sa bumagsak sa lupa ang lalaking naagawan ko ng patalim.
Iniwan na siya ng dalawa niyang kasama. Marami pong nakakita sa insidenteng ito at sa takot ng girlfriend ko, hindi siya nakapagsalita.
Matapos mawalan ng malay at nang magising ako, nasa isang ospital na ako at mayroong mga pulis na nakabantay sa akin.
Nang igala ko ang aking paningin, wala ang gf ko. May isang taong lumapit sa akin at sinabing napatay ko raw ang anak ng isang mayamang pamilya.
Dalawang buwan din ako sa pagamutan at ng akoy gumaling na, dinala na ako ng mga pulis sa presinto at kinasuhan ng homicide.
Mula po nang magkamalay ako sa pagamutan hanggang ngayon, hindi ko na nakita pa ang aking girlfriend na ipinagtanggol ko.
Kaya, nandito ako sa tinatawag nilang impiyerno, isang kinatatakutang lugar ng mga taong nasa may kayang lipunan.
Sana po ay maging daan ang liham kong ito para magkaroon ako ng panibagong kaligayahan sa buhay sa pamamagitan ng mga kaibigan sa panulat. More power and God bless you!
Lubos na gumagalang at umaasa,
Jesus L. Abuan
c/o Pastor Jonathan Atienza,
NBP Ministries, P.O. Box 213,
Puerto Princesa City 5300
Palawan
Dear Jesus,
Talagang isang balintuna ang buhay. Kung minsan, talagang ang pagsisisi ay nasa huli.
Pero huwag mo nang isakit ng kalooban ang biglang paglalaho ng iyong kasintahan. Maaaring pinagbawalan siya ng pamilya niya para huwag nang magpakita para makaiwas sa pagkakadawit sa insidente.
Naganap na ang hindi mo kagustuhang pangyayari. Dahil sa init ng ulo, hindi ka malaya ngayon. Pero naipakita mo naman na malaki ang respeto mo at pangangalaga sa gf mo.
Huwag mo nang isakit ng kalooban ang pangyayaring ito kahit na isa itong malaking biro ng tadhana sa isang tulad mong lumaking walang magulang.
Ituring mong isa pa itong karanasang makapagpapatatag pa ng iyong kalooban. Manalangin ka na sana, mapaaga ang iyong paglaya.
Kasama mo kami sa pananalangin na sana, maganda na ang bukas na hinaharap.
Dagdag pang tiyaga at paghihintay.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended