Tawagin mo na lang akong Baby, 43-anyos at isang negosyante. Baldado na ang asawa ko dahil na-stroke. Bago ako maikasal kay Fred, tutol ang kanyang mga magulang, lalo na ang kanyang mata-pobreng ina. Kasiy mahirap lang ang pamilya ko at hindi ako nakatuntong man lang sa college.
Pero mahal ako ni Fred. Nilabag niya ang gusto ng kanyang mga magulang at itinanan ako. Dahil ditoy itinakwil kami ng aking mga biyenan. Hindi raw kami makakaasa nang anomang tulong mula sa kanila.
Tumira kami sa squatters area. Walang pirmihang trabaho si Fred at kumain-dili ang aming kalagayan. Ako namay nagsikap magnegosyo. Nagtayo ako ng maliit na kainan at ang mga customers ko ay yung mga jeepney drivers na umiikot sa aming lugar.
Malakas pala ang negosyong ito. Nakapag-ipon ako at nagkaroon ng puhunan para sa pagba-buy and sell ng kung anu-ano. Alahas, damit at iba pa.
Yumaman kami dahil sa aking pagsisikap. Para namang kinasihan ako ng langit, na-bankrupt ang aking mga biyenan. Inatake sa puso ang biyenan kong lalaki. Nagkahirap-hirap ang biyenan kong babae at walang ibang maaasahan kundi kami.
Dapat ko bang pagkaitan siya ng tulong dahil sa mga panlalait niya sa amin noon?
Baby
Dear Baby,
Higit kang pagpapalain ng Diyos kung tutulungan mo siya. Dakila sa paningin ng Diyos ang magmahal sa mga taong umapi sa kanila.
Isa pa, ina pa rin siya ng iyong asawa. Kung wala siya, hindi naging tao ang pinakamamahal mong asawa.
Dr. Love