Crush
March 15, 2005 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Sana po ay sapitin kayo ng sulat ko na nasa mabuting kalagayan.
Tawagin na lamang po ninyo akong Mitch, 14 years-old at second year high school sa isang Catholic school dito sa Cainta.
Noong ako ay nasa Grade 6, nagkaroon po ako ng crush kay Aldrich. Hindi ko po siya classmate. Hindi po niya alam na crush ko siya hanggang sa kumalat na po ito sa school namin.
Sabi po ng classmates niya ay halata daw po kasi ako. Umamin po ako sa kanila na totoo yun. Tumawa lang po si Aldrich ng malaman niya ito.
Ngayong second year high school na ako, hindi sinasadyang naging magkaklase kami ni Aldrich. Pero kaklase rin namin si Melissa, ang matagal nang crush ni Aldrich. Nagulat po ako.
Naisip ko lang na lalo na akong hindi papansinin ni Aldrich dahil nandiyan na si Melissa. Hindi nga po ako nagkamali. Hindi po niya ako pinapansin at ang lagi niyang nakikita ay ang mga pangit kong katangian.
Marami po akong classmates na may crush sa kanya pero ako lang ang hindi niya pinapansin. Sabi naman ng mga classmates ko, di hamak na mas maganda ako kaysa kay Melissa.
Sabi nga ng teachers ko, marami naman pong nanliligaw sa akin pero bakit si Aldrich pa ang gusto ko. Hindi ko rin alam, Dr. Love. Almost three years ko na po siyang crush.
Please help me. Mahal na mahal ko po siya kasi e.
Mitch
Dear Mitch,
Lahat ng tao ay nakakaranas ng tinatawag na "crush."
Hindi pag-ibig yan. Humahanga ka lang dahil sa kanyang good looks. Normal iyan sa kabataang tulad mo. Pero kahit bata pa kayo, dapat igalang mo ang kanyang personal choice. Kung iba ang type niya, isipin mo na lang na malas lang niya dahil mas maganda ka kaysa sa nagugustuhan niya.
Huwag mong ipilit ang iyong sarili sa taong ayaw sa iyo dahil lilitaw kang cheap. Dapat maging maligaya ka dahil kandarapa sa iyo ang mga kabataang lalaking may crush sa iyo.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended