Itoy tinatawag na "ikapulo" o "tithes" sa wikang Ingles at may pagkakataon na humihingi ang hari ng Israel ng buwis sa layunin na matulungan ang mga mahihirap o kaya ay kapag may mga kalamidad na nangyari gaya ng taggutom, lindol o kapag may giyera. Pero hindi ito lalampas sa limang porsyento (5%).
Ang nangyayari sa ating bansa, ang sistema ng ating taxation ay nakabatay sa isang kolektibong pamamaraan at ito nga ang naging sanhi ng pangungurakot ng mga namumuno. Ang pamamaraan na ito ay salungat sa iniuutos ng Diyos sa Biblia dahil sobra ang ibinubuwis ng gobyerno sa tao. Kamakailan lamang, pinadadagdagan ng gobyerno ang kontrobersiyal na Value-Added-Tax (VAT) ng dalawang porsyento (2%) para maging 12%.
Sa aking palagay, dapat burahin lahat ang taxation scheme ng gobyerno at ang dapat lamang ipairal ay ang flat tax o proportionate taxation scheme upang ang mga tao ay hindi mahihirapan at silay makapamumuhay nang masagana.
Unang-una, pagpapalain ng Diyos ang ating gobyerno kapag sinusunod ang paraan Niya ng pagsingil ng buwis dahil hindi ito nakakabigat sa mga mahihirap bagkus ang lahat ay makikinabang. Ang 10 porsiyentong buwis na hinihingi ng Diyos ay para sa lahat ng mga mamamayan, hindi lamang sa mga mayayaman kundi pati sa mga mahihirap. Ang ibang limang porsiyentong buwis ay hihingiin lamang kapag may kalamidad na nangyayari sa ating bansa gaya ng baha, lindol o anupaman upang matulungan ang mga biktima.
Sa bansang Israel, ito ang ginagawa nila batay na rin sa utos ng Diyos sa kanila. Tatlong porsiyento kapag may giyera, 2 porsiyento kapag may taggutom at isang porsiyento sa ibang mga kalamidad na nangyayari sa bansang Israel.
Ito ang gusto ng Diyos sa ating bansa hindi yaong kasalukuyan nating taxation scheme na pawang kolektibo o sosyalista, na hango sa kodigo ng humanistang di-naniniwalang may Diyos na si John Meynard Keynes (Keynesian Taxation Code).
(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q, 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998, at Mandaluyong, 533-5171.)